Pokwang, Vice Ganda, Gary Valenciano, Lovi Poe, naalarma sa tindi ng hagupit ni Typhoon Ulysses

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2020
TYPHOON ONDOY FEELS! Pokwang, Vice Ganda, Gary Valenciano, at Lovi Poe, magdamag ding hindi nakatulog dahil pag-aalala sa matinding epekto ng pananalasa ni Typhoon Ulysses sa Metro Manila at mga karatig-bayan.
PHOTO/S: @itspokwang27 / @praybeytbenjamin / @garyvalenciano / @lovipoe Instagram

Hindi nagkulang ang PAGASA, ang local government units, National Disaster Risk Reduction and Management Council ( NDRRMC), at ang radio and television networks sa pagbibigay ng babala sa mga residente ng Bicol region, mga lalawigan ng Quezon, Rizal, Laguna, Batangas, Metro Manila at Central Luzon tungkol sa malakas na ulan at hangin na hatid ni Typhoon Ulysses.

Sa kabila ng mga paalaala at paghahanda na ginawa ng lahat—tulad ng paglikas ng mga kababayan natin na naninirahan sa mabababa na lugar na posibleng maapektuhan ng storm surge—ikinagulat pa rin ng lahat ang napakalakas na hangin at ulan na dala ni Typhoon Ulysses.

Alas-dose ng gabi nang maramdaman sa Metro Manila at Southern Luzon ang pagdating ni Typhoon Ulysses, na unang nanalanta kahapon, November 11, sa Bicol region at nag-landfall kagabi sa Quezon province.

Naghatid ng takot ang malakas na hangin, na dahilan para mawalan ng kuryente sa maraming lugar kaya halos hindi nakatulog ang lahat.

Continue reading below ↓

Madaling-araw nang tumaas ang tubig sa Marikina City, San Mateo, Rodriguez, at ilang bayan sa mga Rizal dahil sa baha na epekto ng malakas na pagbuhos na ulan.

Naikinumpara ito kay Typhoon Ondoy, ang kalamidad na nanalanta nang husto sa Metro Manila noong September 24, 2009.

Kawaawa ang kalagayan ng mga kababayan natin sa Rizal dahil lumubog sa baha ang kanilang mga tahanan kaya napilitan silang umakyat sa bubong para mailigtas ang mga sarili.

Basang-basa sa ulan ang mga matatanda, mga bata at mga sanggol na walang masilungan dahil stranded sila sa bubong ng mga bahay nila.

Binaha rin ang lugar na tinitirhan ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro, na lumusong sa baha at basang-basa habang tinitingnan ang sitwasyon at tinutulungan niya ang kanyang mga nasasakupan.

Sa Laguna, naglabas ng babala ang National Power Corporation tungkol sa pagbabawas ng tubig sa Caliraya Dam, na tiyak na magdudulot ng pagbaha dahil umabot na sa 287.72 meters ang taas ng reservoir water level.

Continue reading below ↓

Ang malakas na bagyo na nararamdaman ngayon ang dahilan kaya naalaala ni Pokwang ang kanyang kabataan.

POKWANG

Si Pokwang ay residente ng Antipolo City, na isa sa mga lugar na hinagupit ni Typhoon Ulysses.

"Noong bata pa ako kapag bumabagyo masaya kami ng mga kapatid ko kasi walang pasok sa school at panay lang ang laro namin sa bahay.

"Ngayon na nanay na ako , di ako makatulog, ikot ako ng ikot sa bahay, nagbabantay.

"Ngayon, alam ko na pakiramdam ng mga nanay at tatay ko kapag may bagyo."

Hindi lamang si Pokwang ang nakaramdam ng takot sa panganib na bitbit ni Typhoon Ulysses ng ibang showbiz personalities.

VICE GANDA

Si Vice Ganda napa-tweet din sa nakakaalarmang lakas ng hagupit ng bagyo.

Continue reading below ↓

LOVI POE

Si Lovi Poe hindi raw buong gabi raw hindi nakatulog dahil animo'y hampas ng alon ang tunog ng pinagsamang malakas na hangin at ulan.

GARY VALENCIANO

Nagbahagi si Gary Valenciano ng emergency hotlines na maaaring kontakin ng mga nasalanta ng bagyo.



Continue reading below ↓

CHYNNA ORTALEZA AND KEAN CIPRIANO

Ang mag-asawang Chynna Ortaeza at Kean Cipriano ay nakaranas naman ng power outtage tulad ng karamihan ng lugar sa NCR at karatig-bayan.

Continue reading below ↓

BEA BINENE

Nanalangin din si Bea Binene na sana ay ligtas ang lahat.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
TYPHOON ONDOY FEELS! Pokwang, Vice Ganda, Gary Valenciano, at Lovi Poe, magdamag ding hindi nakatulog dahil pag-aalala sa matinding epekto ng pananalasa ni Typhoon Ulysses sa Metro Manila at mga karatig-bayan.
PHOTO/S: @itspokwang27 / @praybeytbenjamin / @garyvalenciano / @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results