Grupo nina Vice Ganda, Ion Perez, nawasak ang tinuluyang villas sa Balesin Island

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2020
Bago nanalasa ang Bagyong Ulysses sa Quezon province, nakunang nagkakasiyahan ang magkasintahang Vice Ganda (wearing a hat) at Ion Perez (in white shirt). Pero kinagibahan, nawasak na ang mga tirahan nila.

Sa Polilio Island sa Quezon province ang location ng world-class resort na Balesin Island, at dito inabot ng malakas na bagyo ang grupo ni Vice Ganda.

Kasama niya roon ang kasintahan na si Ion Perez at kaibigan na si Jhong Hilario.

Ayon sa PAGASA, tatlong beses nag-landfall sa Quezon province si Typhoon Ulysses kaya nasaksihan at ramdam na ramdam ng grupo ni Vice Ganda ang delubyo na dala ng bagyo.

Lumabas sa social media ang mga larawan ng mga nawasak na villa sa Balesin Island.

Continue reading below ↓

Gayundin ang video nina Ion at Vice na nagkakatuwaan sa dalampasigan, habang humahampas ang malalaking alon at idinuduyan ng malalakas na hangin ang mga puno ng niyog sa kanilang paligid.

Kuha ito bago nangyari ang ganap na pananalasa ni Typhoon Ulysses sa Quezon:

VICE GANDA'S UPDATE

Ngayong hapon, November 12, nag-tweet si Vice sa naranasang pananalasa ng bagyo sa lugar.

Continue reading below ↓

"Last night was ‘delubyo’ levels here in Balesin. Needed to evacuate our villa dahil nawasak na ung mga villas at bumagsak ang mga puno sa paligid namin.

"Ung pinaglipatan naman namin, nawalan ng kuryente & water supply so lumikas kami ulit.

"Mejo kalmado na ngayon. Salamat sa Diyos."

Nag-post din ng video ang kasama nilang makeup artist na si Glorious tungkol sa mas kalmadong panahon ngayon sa Balesin.

Continue reading below ↓

DELAYED TRIP BACK HOME?

Dahil sa update ni Vice, mapapanatag na ang kalooban ng kanyang mga tagahanga at kaibigan na labis na nag-alala sa kalagayan nila nina Ion, Jhong Hilario, at ibang mga kasama sa kanilang bakasayon.

May dahilan para mabahala ang mga nagmamalasakit kay Vice.

Kagabi, tweet ni Vice, “Nakakatakot na dito! Lord God please keep us all safe.”

Continue reading below ↓

Bukas ang inaasahan na balik ng grupo ni Vice mula sa kanilang Balesin vacation.

Pero dahil sa pinsala na hatid ni Typhoon Ulysses, hindi pa tiyak kung matutuloy ang pag-uwi nila.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago nanalasa ang Bagyong Ulysses sa Quezon province, nakunang nagkakasiyahan ang magkasintahang Vice Ganda (wearing a hat) at Ion Perez (in white shirt). Pero kinagibahan, nawasak na ang mga tirahan nila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results