Typhoon Ulysses vs. Typhoon Ondoy, alin ang may mas matinding pagbaha at pinsala?

by Jojo Gabinete
Nov 12, 2020
Paalala ni GMA-7 resident meteorologist na si Mang Tani, hindi dapat maging kampante ang lahat dahil may posible pang pag-ulan at pagbugso ng hangin kahit palayo na si Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Jerome Ascaño

Papalayo na si Typhoon Ulysses sa bansa.

Ayon ito kay Nathaniel “Mang Tani” Cruz, ang resident meteorologist ng GMA-7 sa panayam sa kanya ng Quick Response Team ng GMA News TV, ngayong hapon ng November 12.

"Ang bagyong Ulysses ay nasa karagatan na.

"Ito ay nasa West Philippine sea na at patuloy ang paglayo sa Pilipinas, so wala nang dahilan tayo na nakikita para ito ay lumapit pa o bumalik.

"Pero hindi ibig sabihin ay wala nang epekto ito. Meron pang mga lugar na may [storm] signal, kasama na ang Metro Manila."

Paalala pa ni Mang Tani, hindi dapat maging kampante ang lahat dahil may posible pang pag-ulan at pagbugso ng hangin.

Pero hindi na matindi tulad ng naranasan nitong Huwebes nang madaling-araw.

Idinagdag ni Mang Tani na simula bukas, November 13, asahan ang pagbuti ng panahon sa malaking bahagi ng bansa, pati na sa mga lugar na dinaanan ni Typhoon Ulysses.

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni Mang Tani ang magandang balita na wala siyang nakikita na bagong low pressure area o bagyo na susunod kay Ulysses.

Naghatid si Typhoon Ulysses ng mataas na baha sa bayan ng Rizal at Marikina City.

Kaya ikinukumpara ang nasabing bagyo sa Typhoon Ondoy, na nagdulot ng malaking perwisyo sa National Capital Region, noong September 2009.

TYPHOON ULYSSES VS TYPHOON ONDOY

Ipinaliwanag ni Mang Tani na hindi isang malakas na bagyo si Ulysses kung ikukumpara kay Super Typhoon Rolly, na nanalasa sa Bicol Region at Southern Luzon noong November 1, 2020.

Kung ganoon ay bakit lampas-tao pa rin ang pagbaha sa Marikina at mga bayan ng Rizal?

Paliwanag ni Mang Tani: "Hindi ito isang napakalakas na bagyo kung ikukumpara mo kay Super Typhoon Rolly dahil ‘yon ang parang pinaka-barometro natin nitong mga nakaraang araw.

"Pero mapapansin natin yung laki nung nasakop nitong Bagyong Ulysses na hindi pa man tumutungtong sa kalupaan [landfal] ng Quezon, e, naramdaman na sa halos buong Luzon, lalung-lalo na sa Bicol region.

Continue reading below ↓

"Malawak kasi ang sirkulasyon ni Ulysses kumpara kay Rolly at sa ibang mga bagyo na nagdaan.

"Mas malaki ang nasakop nito in terms of wind and rain, kaya ganoon na lamang ang kalat o ramdam ng halos buong Luzon ang epekto ni Ulysses.

"Yung ating kalupaan, talagang saturated na dahil a week ago ay dumaan yung isang bagyo, si Rolly, na nagdulot ng matitinding pag-ulan."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paalala ni GMA-7 resident meteorologist na si Mang Tani, hindi dapat maging kampante ang lahat dahil may posible pang pag-ulan at pagbugso ng hangin kahit palayo na si Typhoon Ulysses.
PHOTO/S: Jerome Ascaño
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results