Former Pabebe Girl Michelle Alfonso, gusto pa ring pumasok sa showbiz

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2020
Limang taon pagkatapos maging viral ng kanilang video, muling lumabas sa telebisyon ang dating Pabebe Girl na si Michelle Alfonso. Kabilang si Michelle (kanan) sa choices ng judge na si Eula Valdes sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, November 14.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Naniniwala ang 16-year-old na si Michelle Alfonso sa kasabihan ng mga kababaihang “Kilay is life.” Pero sa kasamaang-palad, hindi siya nabiyayaan ng makapal na kilay.

Si Michelle ang isa sa dalawang kabataang babaeng nakatikim ng panandaliang kasikatan noong July 2015 dahil nag-viral ang "Pabebe Girls" video nila ng kanyang kaibigang si Janet Ricabo.


Continue reading below ↓

Michelle Alfonso (left) and Janet Ricabo

Sina Kim Chiu, Alex Gonzaga, Maine Mendoza, at Wally Bayola ang ilan sa showbiz personalities na nag-impersonate at gumawa ng parody ng "Pabebe Girls" video nina Michelle at Janet.

Ang popularidad ng video nila ang naging instrumento kaya nagkaroon sina Michelle at Janet ng mga TV guesting sa Kapuso Mo Jessica Soho, Rated K, ASAP, Celebrity Bluff, Tunay Na Buhay, at Gandang Gabi Vice.

Hindi man pinalad si Michelle na magkaroon ng makapal na kilay, ito naman ang naging instrumento para mapansin siya ng publiko.

Sadly, naging biktima rin siya ng mga bashers na kumutya sa kawalan niya ng kilay at sineryoso ang kanyang pagpapanggap na pagtataray sa "Pabebe Girls" viral video.

Wala nang balita tungkol sa Pabebe Girls matapos tumamlay ang interes ng publiko sa kanilang viral video na umani ng milyun-milyong views.

Pero makalipas ang limang taon, muling napanood sa telebisyon si Michelle.

Continue reading below ↓

Isa siya sa choices ng judge na si Eula Valdes sa episode ng "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, November 14.

Hindi agad namukhaan si Michelle ng televiewers dahil dalagang-dalaga na ang kanyang physical appearance. Higit sa lahat, makapal na ang kilay niya, sa tulong ng eyebrow pencil.


Continue reading below ↓

Michelle with co-Bawal Judgmental choice Ice Seguerra

Sixteen years old na si Michelle at Grade 9 sa paaralang pinapasukan niya.

Naninirahan siya at ang kanyang pamilya sa San Mateo, Rizal, na isa sa mga nasalanta ni Typhoon Ulysses.

Masuwerte si Michelle dahil nakapag-taping siya para sa "Bawal Judgmental" noong Miyerkules, November 11, dahil kinabukasan, November 12, nanalasa na si Typhoon Ulysses sa kanilang bayan.

"Naapektuhan po kami ng bagyo. Pinasok po ng tubig baha ang bahay namin. Hanggang beywang ang tubig kaya lumikas kami sa ibang bahay," pahayag ni Michelle nang makausap siya ng Cabinet Files, sa pamamagitan ng Facebook video call, ngayong hapon.

Nang kumustahin namin ang kanyang kapwa Pabebe girl na si Janet, sinabi ni Michelle na matagal na silang hindi nagkikita dahil may asawa at pamilya na ang kaibigan niya.

Labing-isang taon ang edad ni Michelle nang mag-viral ang "Pabebe Girls" video nila ni Janet kaya nangarap siyang pumasok sa showbiz. Pero hindi ito natuloy, maliban sa mga TV guesting nila.

Continue reading below ↓

"Gusto ko sana sa GMA-7, pero yung mga kasama ko sa video, gusto nila sa ABS-CBN," sabi ni Michelle.

Buhay pa rin ang pangarap ni Michelle na maging artista.

Sabi niya, "Gusto ko pa rin pong pumasok sa showbiz kung may magma-manage sa akin.

"Masaya ako habang pinapanood ang sarili ko sa 'Bawal Judgmental' dahil ngayon na lang uli ako lumabas sa TV."

Plano ni Michelle magbukas ng sariling You Tube channel at umaasa siyang mauulit muli ang karanasan niya noong 2011.

Hanggang ngayon, manipis pa rin ang mga kilay ni Michelle pero hindi raw siya apektado ng mga batikos na naranasan niya nang sumikat ang Pabebe Girls video nila.

"Manipis pa rin po ang kilay ko pero hindi na ako affected ng mga bashing. Normal na lang po sa akin," ani Michelle.

Paulit-ulit dawpinanonood ni Michelle sa You Tube ang mga TV guesting nila ni Janet dahil gustong-gusto talaga niyang maging artista.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Limang taon pagkatapos maging viral ng kanilang video, muling lumabas sa telebisyon ang dating Pabebe Girl na si Michelle Alfonso. Kabilang si Michelle (kanan) sa choices ng judge na si Eula Valdes sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Sabado, November 14.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results