Julian Trono at Ella Cruz, paano nireresolba ang kanilang mga tampuhan?

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2020
Julian Trono on resolving misunderstanding with girlfriend Ella Cruz: "Even if hindi kami okey, hindi kami nag-uusap, kapag nag-take na, nagsu-switch 'yan into our characters. In a way, na-practice namin ‘yon for the longest time we’ve been working, na parang hindi kasalanan ng work. Dapat magkahiwalay."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Sina Ella Cruz at Julian Trono ang mga guest sa PEP Live noong November 3.

Matunog na “Hun” ang tawagan nila na hindi nakalampas sa matalas na pandinig at atensiyon ng PEPsters.

Hindi na inililihim nina Ella at Julian sa publiko ang kanilang relasyon dahil ang matinding pagmamahal para sa isa’t isa ang mababasa sa mga social media post nila.

Pero tulad sa isang normal na relasyon, nagkakaroon ng tampuhan ang dalawa, at ito ang ipinagtapat nila sa panayam sa kanila ni Jimpy Anarcon ng PEP.ph.

Ayon kay Julian, “Parang alam namin when to separate work. Example, we’re working on a project 'tapos nagkatampuhan kami sa mismong taping.

"Even if hindi kami okey, hindi kami nag-uusap, kapag nag-take na, nagsu-switch 'yan into our characters.

"In a way, na-practice namin ‘yon for the longest time we’ve been working, na parang hindi kasalanan ng work. Dapat magkahiwalay.

"We’re happy kasi nabalanse rin namin siya na kaya naming i-separate yung dalawa na ‘yon [work and personal relationship].

Continue reading below ↓

"I think that’s the most important thing," kuwento ni Julian tungkol sa ginagawa nila ni Ella para hindi madamay ang trabaho nila sa tuwing nagkakaroon sila ng mga hindi pagkakaunawaan.

Hindi naman malayo sa sagot ni Julian ang paliwanag ni Ella tungkol sa pagiging professional nila kapag may tampuhan sila.

Sabi ng actress-vlogger, "Kapag magka-work kami together, automatic na ibang tao kami kapag may eksena. Iba yung nararamdaman namin para sa isa’t isa.

"Naalaala ko noong may mga ginagawa kaming show sa Sari-Sari Channel. Hindi naman magkaaway pero nagkakataasan ng boses. Minsan, nagkakapikunan din habang taping.

"Never naman namin na-experience na maapektuhan yung work kasi automatic na nag-iiba ako.

"As an actor, hindi ko talaga dinadala yung mga problema ko, personal stuff ko, relationship kapag nandoon na ako sa set or kapag aarte na ako. Kasi ibang tao na yung ginagampanan mo.

"Kunwari, medyo bad trip kami sa isa’t isa, pero yung eksena namin is sobrang sweet moment. Oks kami, pero sa tinginan namin, 'Uy, bad trip ka talaga.' Pero hindi naman makikita sa kamera.

Continue reading below ↓

"And since lagi kaming magkasama, we’re very professional on that part."

Matagal hindi nagkita at nagkasama sina Ella at Julian dahil nagdeklara ng enforced quarantine sa Luzon noong March 16, 2020 kaya nasabik sila sa isa’t isa.

Ang guesting nila sa Ghost Adventures na mapapanood ngayong gabi, 6 p.m., sa TV5 ang unang pagkakataong nagkatrabaho sina Julian at Ella pagkatapos ng lockdown.

Nasulit ang matagal na hindi pagkikita ng dalawa dahil bukod sa lock-in ang taping, dalawang episodes (November 14 at November 21) ang kanilang ginawa para sa horror-comedy show nina Benjie Paras at Empoy Marquez.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julian Trono on resolving misunderstanding with girlfriend Ella Cruz: "Even if hindi kami okey, hindi kami nag-uusap, kapag nag-take na, nagsu-switch 'yan into our characters. In a way, na-practice namin ‘yon for the longest time we’ve been working, na parang hindi kasalanan ng work. Dapat magkahiwalay."
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results