Julia Barretto, umapir sa Masked Singer Pilipinas; Bituin Escalante, na-eliminate

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2020
Ang kanyang guesting sa Masked Singer Pilipinas ang unang TV appearance ni Julia Barretto (kaliwa) matapos niyang umalis ng Star Magic at ABS-CBN; si Bituin Escalante (kanan) naman ang na-eliminate sa episode ngayong gabi, November 14.
PHOTO/S: Facebook

Ang episode ng Masked Singer Pilipinas ngayong gabi, November 14, ang unang TV appearance ni Julia Barretto matapos nitong magpaalam sa Star Magic at ang ABS-CBN.

Noong September 30, lumipat at pumirma ng excusive contract si Julia sa Viva Artist Agency para mag-manage sa kanyang showbiz career.

Si Julia ang special guest o 5th Judge Detective sa musical mystery competition ng TV5.

Nahirapan siyang hulaan ang katauhan ng mga mystery singer. Pero ayon sa kanya, masaya at very entertaining ang karanasan niya.

Si Bituin Escalante, na nagtago sa maskara ni "Marie-Posa," ang masked singer na nagpaalam sa show ngayong gabi. Siya ang nakatanggap ng pinakamababang boto mula sa judge detectives at Masked Universe.

"This was a pleasure after how many months of being locked up. It’s such a blessing to see production people, to hang out backstage with everyone.

"Sana lang, it’s the kind of show where you can hang out with your fellow artists but this is a step up," pahayag ni Bituin nang alisin nito ang kanyang maskara at nang hingan siya ng mensahe ni Masked Singer Pilipinas host Billy Crawford.

Continue reading below ↓

Si Judge Detective Kim Molina ang nakahula na si Bituin ang nakatago sa maskara ni "Marie-Posa" dahil nagkasama na sila sa mga musical play.

Ang mga clue na ibinigay ni Bituin ay naging hobby niya ang pagtatanim ng mga gulay ngayong may pandemic, at si Celeste Legaspi ang kanyang mentor noong nag-uumpisa pa lamang siya sa teatro.

Pero nahirapan pa rin sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, at Matteo Guidicelli na hulaan ang identity niya.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang kanyang guesting sa Masked Singer Pilipinas ang unang TV appearance ni Julia Barretto (kaliwa) matapos niyang umalis ng Star Magic at ABS-CBN; si Bituin Escalante (kanan) naman ang na-eliminate sa episode ngayong gabi, November 14.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results