Enchong Dee, pumayag magbuyangyang ng katawan sa Alter Me

by Jojo Gabinete
Nov 14, 2020
Alter Me, starring Enchong Dee and Jasmine Curtis Smith, will begin streaming on Netflix today, November 15.

Imposibleng hindi pag-usapan ang mga eksena ni Enchong Dee sa Alter Me, ang pelikula nila ni Jasmine Curtis Smith na magsisimulang mag-streaming sa Netflix ngayong Linggo, November 15.

Sa opening scene pa lang ni Enchong, nagpakita siya kaagad ng hubad na katawan.

Hindi lang basta paghuhubad ang ginawa niya dahil may nude scene siyang whipped cream lamang ang nakatakip sa kanyang private part.

May “pumping scene” din si Enchong, na hindi nagdalawang-isip magbuyangyang ng puwet, at ang babaeng kapareha niyang may suot na maskara.


Continue reading below ↓

Si RC delos Reyes ang direktor ng Alter Me.

Ang Alter Me ang itinuturing niyang pinakamapangahas sa lahat ng mga pelikulang kanyang ginawa.

Ikinuwento ni RC na hindi siya nahirapang kumbinsihin sina Enchong at Jasmine na gawin ang erotic at passionate love scene dahil naging matapat siya sa pagsasabi ng kanyang mga kailangan para sa pelikula.

"Sinabi sa akin ni Enchong, ‘Direk, ikaw na ang bahala. I trust you. Ibibigay ko sa 'yo ang trust na pagandahin na lang yung sex scenes.'

"Siyempre kinabahan ako kasi first time ko rin naman mag-direct ng love scene.

"Ibinigay rin naman nilang lahat. Naging transparent naman ako na this is what I need, ito ang requirement ko.

"Umokey naman si Enchong at si Jasmine pero may parameters lang.

"Hindi talaga siya pwedeng mag-topless saka hindi ko naman kailangan dahil yung characters nila, dapat in love sa isa’t isa para maiba,” pahayag ni RC sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓


Ang Alter Me ang most daring role to date ni Enchong dahil napapayag siya ni Direk RC na magkaroon ng butt exposure, pumping, at frontal nudity scene.

Hudyat ito ng pagganap ni Enchong ng mature roles.

Kuwento ni Direk RC, "Nung pinitch ko sa kanya, tinanong niya ako what’s the requirement and sinabi ko yun ang requirement ko. Nag-yes naman siya agad.

Continue reading below ↓

"Nagkataong nasa ganyang materyal ang hinahanap niya, kasi sinabi ko sa kanya na siya talaga ang first actor ko in mind to play the role of Uno because you never see him in such a role.

"Yung past roles niya, goody-goody, boy next door. Sa Alter Me, tinailor made namin si Uno na very playful pa rin siya, very Enchong.

"Pero mas daring, mas sexy this time, mas go-getter. And we wanted yung audience ang magsasabi ng ‘Ay, ito yung Enchong na hindi pa namin napapanood.’

"Ang galing nga ng promo ng Netflix because they really promoted na love story ito and they kept the mystery.

"Kaya sabi ko, ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga tao kapag napanood na nila yung full movie at ang opening scene ni Enchong?”

Bilib si Direk RC sa dedikasyon at professionalism nina Enchong at Jasmine.

Lastly, nilinaw ni RC na isang love story movie ang Alter Me at hindi basta tungkol sa alter world.

Continue reading below ↓

Nagpapasalamat din siya dahil mahuhusay ang lahat ng mga artista niya—sina Enchong, Jasmine, JC Santos, Via Antonio, Royce Cabrera, Richard Quan, at Rhed Bustamante.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alter Me, starring Enchong Dee and Jasmine Curtis Smith, will begin streaming on Netflix today, November 15.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results