Sarah Geronimo, mapapanood na rin sa TV5

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2020
Ikinuwento ni Matteo Guidicelli na malaki ang kinalaman ng kaibigan niyang si Billy Crawford sa pagsisimula ng panliligaw niya sa asawang si Sarah Geronimo. Sabi ni Matteo, "Actually si Billy ang nag-connect sa akin kay Sarah. Kung hindi dahil kay Billy, wala kami ni Sarah ngayon."
PHOTO/S: Instagram

Nasanay ang publiko na nakikita si Sarah Geronimo sa mga programa ng ABS-CBN. Pero ngayong gabi, November 15, mapapanood na rin siya sa TV5.

Ito ay dahil ang The Next One concert ni Sarah ang featured concert sa Onstage, ang Sunday night show ng Kapatid Network.

Nauna nang napanood sa TV5 ang asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli dahil isa ito sa apat na judge detectives ng Masked Singer Pilipinas.

Kumportableng-kumportable na si Matteo sa kanyang mga kasamahan sa Masked Singer Pilipinas na sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, at Kim Molina.

Bukod sa pakikipagbiruan, may mga nababanggit siya tungkol sa pagsasama nila ni Sarah.

Sa November 14 episode ng Masked Singer Pilipinas, biglang ipinagtapat ni Matteo na malaki ang kinalaman ng host na si Billy Crawford sa pagsisimula ng panliligaw niya kay Sarah.

"Actually si Billy ang nag-connect sa akin kay Sarah. Kung hindi dahil kay Billy, wala kami ni Sarah ngayon," hindi inaasahang pagkukuwento ni Matteo habang kinukulit siya ni Kim.

Continue reading below ↓

Nang marinig ni Billy ang sinabi ni Matteo, siya na ang nagtuloy ng kuwento.

Sabi ni Billy, "Nung nag-concert kasi si Sarah, guest ako. E, matagal nang crush ni Matteo si Sarah.

"Sabi niya, ‘Billy, pwede ba akong pumunta ng Cebu para makilala ko si Sarah?’

"'Tapos ipinakilala ko, ayun na. Married na sila, di ba?"

Ang mga hindi sinasadyang pagkukuwento ni Matteo tungkol kay Sarah ang isa sa mga inaabangan ng viewers ng Masked Singer Pilipinas, lalo na ng Popster fans ni Sarah dahil sabik silang malaman ang buhay may-asawa ng kanilang hinahangaang singer-actress.

Si Matteo ang isa sa mga sources ng balita tungkol kay Sarah mula nang magpakasal sila noong February 20, 2020.

Kahit noong dalaga pa si Sarah, walang masyadong alam ang publiko tungkol sa mga nangyayari sa kanyang personal na buhay dahil hindi siya nagkukuwento.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinuwento ni Matteo Guidicelli na malaki ang kinalaman ng kaibigan niyang si Billy Crawford sa pagsisimula ng panliligaw niya sa asawang si Sarah Geronimo. Sabi ni Matteo, "Actually si Billy ang nag-connect sa akin kay Sarah. Kung hindi dahil kay Billy, wala kami ni Sarah ngayon."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results