Imelda Marcos, kinutya ni Princess Margaret sa Netflix series na The Crown

by Jojo Gabinete
Nov 15, 2020
Sa isang eksena sa Episode 3 ng Season 4 ng Netflix series na The Crown, nagkuwento si Princess Margaret (Helena Bonham Carter, kaliwa) tungkol sa pagkikita nila ni former First Lady Imelda Marcos (kanan) sa Pilipinas.
PHOTO/S: Screen grab from Netflix, IMDB

May special mention kay former First Lady Imelda Marcos sa Season 4 Episode 3 ng Netflix series na The Crown.

Kinutya ng karakter ni Princess Margaret at ng royal family ang pagsasalita ni Imelda ng English language.

Si Helena Bonham Carter ang gumanap na Princess Margaret sa The Crown.

Sa Episode 3, na may pamagat na "Fairytale," ikinuwento ni Princess Margaret sa mga kausap ang pagtatagpo nila ni Imelda sa kanyang official visit sa Pilipinas noong 1980.

“So there we are in Manila, in the middle of a state banquet, when who barges into the room? None other than Imelda Marcos.

“She makes a beeline straight for me, saying she’s desperate to show me her… wait for it...” kuwento ni Princess Margaret.

Pero sumingit sa kanyang pagsasalita ang pamangkin na si Princess Anne, ang anak ni Queen Elizabeth ll.

“Shoe collection,” sabi ni Princess Anne, na ginagampanan ni Erin Doherty.

Continue reading below ↓

“Shell collection,” pagtutuwid ni Princess Margaret kay Princess Anne.

Pinaglaruan ng royal family ang accent ni Imelda dahil nagtanong si Queen Elizabeth ll (ginagampanan ni Olivia Colman) na baka may “something in her teeth” ang dating Unang Ginang ng Pilipinas.

“She was probably trying to say shoe and you misunderstood her,” reaksiyon ni Prince Philip (played by Tobias Menzies) sa kuwento ni Princess Margaret.

Pero sumagot ito ng "No, I can assure you, it was seashells," kaya nagtawanan ang lahat.

Patuloy na pagkukuwento ni Princess Margaret, "So now the whole dinner party decants into a convoy of limousines, we’re rushed through the streets of Manila..."

Nahinto ang kanyang pagsasalita nang dumating si Lady Diana Spencer (Emma Corrin), na nakatakda pa lamang ikasal kay Prince Charles (Josh O’Connor) noong July 29, 1981.

Si Peter Morgan ang sumulat ng "Fairytale" episode ng Season 4 ng The Crown.

Walang nabanggit sa accuracy ng kuwento ni Princess Margaret tungkol kay Imelda, pero totoong bumisita sa Pilipinas ang kapatid ni Queen Elizabeth II noong April 2, 1980.

Continue reading below ↓

Matibay na ebidensiya ang mga larawan nina Princess Margaret at Imelda.


"Infamous" ang dating Unang Ginang sa pagkakaroon ng tatlong libong pares ng sapatos.

Naiwan niya ang karamihan ng kanyang mga sapatos sa Malacañang Palace nang mapatalsik sa puwesto ang asawa, ang dating pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos, noong February 25, 1986.

Continue reading below ↓

Si Princess Margaret ay pumanaw noong February 2002.

Si Imelda ay buhay pa sa edad na 91.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa isang eksena sa Episode 3 ng Season 4 ng Netflix series na The Crown, nagkuwento si Princess Margaret (Helena Bonham Carter, kaliwa) tungkol sa pagkikita nila ni former First Lady Imelda Marcos (kanan) sa Pilipinas.
PHOTO/S: Screen grab from Netflix, IMDB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results