John Lloyd Cruz sitcom sa TV5, sa December na magsisimula; Bea Alonzo, napipisil bilang leading lady niya

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2020
Kung hindi magbabago ang mga plano, nakatakdang magsimula ang taping ng family sitcom ni John Lloyd Cruz (kaliwa) sa TV5 sa December. Malaki rin ang posibilidad na pumayag ang kanyang perennial leading lady na si Bea Alonzo (kanan) na makatrabaho muli ang aktor.
PHOTO/S: File / Instagram

Kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa plano, magsisimula sa susunod na buwan ang taping ng family sitcom na pagbibidahan ni John Lloyd Cruz.

Ang Brighlight Productions ang producer ng sitcom na ipalalabas sa TV5, na comeback ni John Lloyd sa telebisyon matapos ng tatlong taong pamamahinga mula sa pag-arte.

Ang perennial leading lady ni John Lloyd na si Bea Alonzo ang napipisil bilang kapareha niya sa upcoming sitcom ng Brighlight Productions.

Balak ding umpisahan sa December 2020 ang shooting ng comeback movie ni John Lloyd na ipo-produce din ng Brighlight Productions.

In fact, according to our source, ang aktor ang may idea na parehong simulan sa susunod na buwan ang taping ng sitcom niya at ang shooting ng kanyang tatampukan na pelikula.

Noong September 25, 2020, inilabas ng Cabinet Files ang report tungkol sa pagkikita ni John Lloyd at ng Brightlight Productions producer na si Albee Benitez. Ito ay para sa kontratang pipirmahan nila para sa sitcom at pelikula na hudyat ng muling pagiging aktibo ng aktor sa showbiz.

Continue reading below ↓

Tiyak namang ikagugulat ng fans ni Bea ang balitang ang aktres ang napipisil bilang kapareha ni John Lloyd sa sitcom ng Brighlight Productions dahil nag-back out nga si Bea sa Kahit Minsan Lang, ang drama series ng ABS-CBN na pagtatambalan nila ni Richard Gutierrez.

JOHN LLOYD-BEA MOVIE ON HOLD

Noong October 22, 2020, naglabas ng pahayag ang direktor na si Cathy Garcia Molina na “on hold” muna ang reunion movie project nina John Lloyd at Bea dahil sa coronavirus pandemic at sa previous commitments ng aktor.

"Ang totoo po kasi dapat talaga I was supposed to do John Lloyd-Bea [this year]. 'Yon yung naka-line up sa 'kin during the pandemic. As in yun ang mini-meeting namin lagi.

"Until medyo tumatagal po kami kasi siyempre hindi naman matantiya yung pandemya 'tapos may creative process pa po 'yan.

"Inabutan na ng hindi available si Loydie. May mga prior commitments na siya.

"Na-put on hold so binigyan ako ng bago," paliwanag ni Molina sa virtual conference para sa isang fundraising event niya.

Continue reading below ↓

Si Cathy ang direktor ng mga blockbuster movies nina John Lloyd at Bea. Ilang beses siyang nag-announce ng kanyang retirement mula sa paggawa ng pelikula noong 2019 pero hindi natuloy.

Diumano, may offer din ang TV5 kay Cathy, at kung magiging maayos ang negosasyon, may tsansa ring lumipat siya sa Kapatid Network.

At any rate, sinabi naman ng isang insider na malabo na talagang matuloy ang reunion movie nina John Lloyd at Bea sa Star Cinema, dahil sa pagpirma ng aktor ng kontrata sa Brighlight Productions.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung hindi magbabago ang mga plano, nakatakdang magsimula ang taping ng family sitcom ni John Lloyd Cruz (kaliwa) sa TV5 sa December. Malaki rin ang posibilidad na pumayag ang kanyang perennial leading lady na si Bea Alonzo (kanan) na makatrabaho muli ang aktor.
PHOTO/S: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results