Dating ABS-CBN director Edgar Mortiz, bahagi na ng show ni Willie Revillame sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Nov 16, 2020
Marami ang nagulat sa paglabas ng dating ABS-CBN director na si Edgar Mortiz (kaliwa) sa episode ng Wowowin: Tutok To Win, ang show ni Willie Revillame sa GMA-7, ngayong Lunes, November 16.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

May mga nagtaka sa presence ng actor-director na si Edgar Mortiz sa Monday afternoon (November 16) live telecast ng Wowowin, ang top-rating show ni Willie Revillame sa GMA-7.

May dahilan para magtaka ang mga manonood dahil alam ng lahat na resident director si Edgar—na mas kilala bilang Bobot—ng ABS-CBN.

Ito ay bago siya lumipat sa Brightlight Productions bilang direktor at line producer ng Sunday gag show na Sunday ‘Kada sa TV5.

Sa pamamagitan ng text message, kinumpirma ni Willie sa Cabinet Files ngayong gabi na si Bobot na ang creative and production head ng Wowowin.

Walang conflict ang posisyon ni Bobot sa Wowowin at sa pagiging direktor at line producer niya sa Sunday ‘Kada.

Bukod sa magkaiba ang concept, hindi magkalaban ang mga nabanggit na programa.

Matagal nang magkaibigan at malalim ang pinagsamahan nina Bobot at Willie dahil magkatrabaho sila noon sa Wowowee.

Si Bobot ang naging creative director (2005-2010) ng Wowowee, ang noontime show ni Willie sa ABS-CBN.

Continue reading below ↓

Nang umalis si Willie sa ABS-CBN noong 2010 para lumipat sa TV5, hindi naputol ang komunikasyon nila ni Bobot at nanatiling matatag ang pagkakaibigan nila.

Si Bobot ang isa sa mga direktor ng ABS-CBN na unang umalis sa Kapamilya Network at lumipat sa TV5.

Sumunod sa kanya si Bobet Vidanes, ang resident director ng noontime show na It’s Showtime.

Nag-resign si Vidanes bilang direktor ng It’s Showtime nang tinanggap niya ang alok para maging consultant ng Lunch Out Loud ng Brightlight Productions, ang rival show ng programa na kanyang pinanggalingan.

Ang Brightlight Productions ay pagmamay-ari ni Albee Benitez, isang dating congressman at blocktimer sa TV5.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami ang nagulat sa paglabas ng dating ABS-CBN director na si Edgar Mortiz (kaliwa) sa episode ng Wowowin: Tutok To Win, ang show ni Willie Revillame sa GMA-7, ngayong Lunes, November 16.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results