Derek Ramsay at Andrea Torres, break na

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2020
Binura na ni Andrea Torres ang mga litrato nila ng boyfriend na si Derek Ramsay sa kanyang Instagram account. Dahil dito, lumabas ang haka-hakang break na ang dalawang Kapuso stars.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

Kinumpirma ng isang malapit kay Andrea Torres na hiwalay na ang Kapuso actress sa boyfriend na si Derek Ramsay.

Sa kabila ng kumpirmasyon ng taong malapit sa aktres, importante pa ring manggaling kina Derek at Andrea ang tunay na estado ngayon ng kanilang relasyon dahil sila ang mga pangunahing sangkot sa isyu.

Ang netizens ang unang nakapansing tila may problema sa relasyon nina Derek at Andrea dahil burado na sa Instagram account ng aktres ang mga litrato nila ng kanyang boyfriend.


Continue reading below ↓

Hindi na rin follower si Andrea ng Instagram account ni Derek, pero nananatiling naka-follow ang aktor sa dalaga.

Nevertheless, umaasa ang fans nina Derek at Andrea na simpleng tampuhan lamang ang nangyayari sa kanila at, eventually, maaayos ang kung anumang problema nila.

Ikinagulat naman ng ilang mga artista ng GMA-7 ang balita ng breakup dahil masaya pa ang ang dalawa nang makita sila sa Christmas Station ID shoot ng Kapuso Network noong nakaraang buwan.

Nitong mga nakaraang buwan din ay sinabi nina Derek at Andrea sa magkahiwalay na interviews na handa na silang lumagay sa tahimik—pero tila hindi na ito mangyayari.

At press time, parehong tahimik sina Derek at Andrea sa isyu ng diumano’y pagwawakas ng kanilang relasyon, na una nilang inamin sa publiko noong September 25, 2019.

Para sa ikalilinaw ng usapin, nagpadala ang Cabinet Files ng text message sa manager ni Derek na si Jojie Dingcong. Hindi ito sumagot.

Continue reading below ↓

Wala ring sagot si Andrea sa direct message na ipinadala namin sa kanyang Instagram account.

GMA CHRISTMAS STATION ID

Coincidentally, sa interbyu ng Cabinet Files noong September 25, 2019, ikinuwento ni Derek na nagsimula ang koneksiyon nila ni Andrea sa Christmas Station ID shoot ng GMA 7.

Sabi noon ng aktor, “Yung connection naman namin was, even before, extra.

"The things you’re talking about, wala naman kaming alam na magiging ganito ka-close kami.

“When we first met, we already had a connection dun sa station ID ng GMA.

"We just connected, we were just talking about pag-aartista, we did not see na may connection kami, and then nabuo.

“Alam mo, walang ano, e… Usually, pinag-iisipan mo ‘yan. It just flows naturally."

Dagdag ni Derek, "We are more than friends. We’re at that stage na we both have feelings for each other.

"It’s not just that we're both physically attracted, it’s deeper than that in the sense that she has met my parents, I’ve met her parents, our parents have met."

Continue reading below ↓

Nakausap ng Cabinet Files ang dalawa sa huling araw ng taping ng The Better Woman noong September 25, 2019.

Ang The Better Woman ang unang television series na pinagtambalan nila at dito nabuo ang kanilang love affair.

Back then, "sobrang saya” ang sagot ni Andrea nang tanungin tungkol sa kaligayahang nararamdaman niya sa relasyon nila ni Derek.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binura na ni Andrea Torres ang mga litrato nila ng boyfriend na si Derek Ramsay sa kanyang Instagram account. Dahil dito, lumabas ang haka-hakang break na ang dalawang Kapuso stars.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results