Ellen Adarna balik-TV na; gagawa ng sitcom katambal si John Estrada

by Jojo Gabinete
Nov 17, 2020
Magtatambal sina Ellen Adarna at John Estrada sa sitcom na John En Ellen, na nakatakdang ipalabas sa TV5 sa 2021.
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal

Tulad ng kanyang ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz, magiging aktibo na rin muli sa showbiz si Ellen Adarna.

Ito ay sa kabila ng deklarasyon niya sa isang radio interview na "not in the next seven years" nang tanungin kung magbabalik-showbiz siya.

Si Ellen ang leading lady ni John Estrada sa sitcom na John En Ellen.

Si John ang nakipag-usap kay Ellen, na mabilis nakumbinsing tanggapin ang alok dahil nagandahan at nagustuhan niya ang project.

Inspired ng Dolphy-Nida Blanca sitcom na John En Marsha ang concept ng John En Ellen.

Magsisimula ang lock-in taping ng sitcom sa Antipolo City sa January 5, 2021, at sa January 17 ang airing nito sa TV5.

Co-stars nina John at Ellen sa John En Ellen sina Ronaldo Valdez, Laboching, Long Mejia, at Angelina Cruz, ang anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Si Willy Cuevas, former creative manager ng mga game at comedy show ng ABS-CBN, ang direktor ng John En Ellen.

Continue reading below ↓

Siya rin ang creative manager ng Viva Television para sa isang franchise game show mula sa United Kingdom na mapapanood sa TV5 sa parating na taon.


Willy Cuevas (left) with John Estrada and staff during the ocular inspection in Antipolo Mansion for John En Ellen (right).

Continue reading below ↓

Si Willy ang nagsulat ng kuwento ng John En Ellen na mula sa collaboration nila ni Bong Sta. Maria. Executive si Bong ng MVP group at siya ang creator ng programa.

Pero kasama nila ni Willy sa brainstorming si John dahil ito ang line producer ng John En Ellen sa ilalim ng production company ng aktor na Ichthus Entertainment.

Sa kuwento, anak ng mayamang businessman na si Don Lucky (Ronaldo) ang karakter na gagampanan ni Ellen, na nakipagrelasyon kay John. Pero tutol sa pagmamahalan nila ang kanyang ama kaya napilitan silang magtanan.

Makalipas ang labing-anim na taon, lumambot kunwari ang puso ni Don Lucky, pinatira niya sa kanyang mansion ang pamilya ng anak niya, at dito nag-umpisa ang mga kalbaryo ni John.

“Ang saya ng storycon,” kuwento ni Willy sa Cabinet Files.

“Tawanan nang tawanan kami, Excited silang lahat sa show!”


Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magtatambal sina Ellen Adarna at John Estrada sa sitcom na John En Ellen, na nakatakdang ipalabas sa TV5 sa 2021.
PHOTO/S: Instagram / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results