Urian best director Rae Red, magdidirek ng horror series sa TV5

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2020
Rae Red on directing her first TV series: “Nakaka-pressure pero I try to take it as an advantage na lang, like, I ask for advice. Humihingi ako ng support from them.”

Si Rae Red ang itinanghal na best director sa 43rd Gawad Urian na ginanap noong November 10.

Nanalo si Rae para sa Babae at Baril, na itinanghal din bilang pinakamahusay na pelikula ng 2019 at nagbigay sa bidang si Janine Gutierrez ng best actress award.

Ang Babae at Baril ang unang proyekto ni Rae bilang movie director, pero gagawa na rin siya ng TV series para sa TV5.

Si Rae ang nag-iisang babae sa grupo ng seasoned directors na sina Richard Somes, Paul Basinillo, at Lawrence Fajardo.

Sila ang mga direktor ng Kagat Ng Dilim, ang horror anthology na muling ibabalik sa telebisyon makalipas ang dalawang dekada.

Naging matapat si Rae nang sabihin nito ang nararamdamang pressure dahil ngayon lamang niya mararanasang maging direktor ng isang TV show.

“Nakaka-pressure pero I try to take it as an advantage na lang, like, I ask for advice. Humihingi ako ng support from them,” pahayag ni Rae sa Tuesday afternoon, November 17, virtual presscon ng TV5 para sa apat na direktor ng Kagat Ng Dilim.

Continue reading below ↓

Aminado si Rae na bilang baguhang direktor, marami pa ang mga dapat niyang matutunan kaya hindi siya nahihiyang magtanong at humingi ng payo para mapaganda ang apat na episodes ng Kagat Ng Dilim na ipinagkatiwala sa kanya.

“Even before the Urian award, I’m fully aware na ako yung baguhang direktor and I only did one film.

"So, with or without that award, alam kong marami akong kailangan aralin, habulin," sabi ni Rae.

Uumpisahan pa lamang ni Rae ang taping ng apat na episodes ng Kagat ng Dilim: "Sabel" na pagbibidahan nina Louise delos Reyes, Andrea del Rosario, at Guji Lorenzana; "Manika" na tatampukan nina Mark Anthony Fernandez at Maui Taylor; "Kakambal" na pangungunahan ni Matteo Guidicelli; at "Salakay" na solo starrer ni Gardo Verzosa.

Kahit horror ang tema ng kanyang unang directorial job sa telebisyon, hindi matatakutin si Rae. Pero isang pelikula raw ang nagbigay sa kanya ng malaking takot—ang 1981 movie na Kisapmata.

Continue reading below ↓

“Hindi siya yung usual horror na may multo, pero sobrang nakakatakot si Vic Silayan. Grabe yung tatak niya sa akin, like, nakakatakot siya and very iconic ang na-create niyang karakter,” ani Rae.

Ang yumaong si Vic Silayan ay gumanap bilang dominanteng ama sa Kisapmata, na idinirek ni Mike de Leon. Tampok din sa pelikula ang mga yumao na ring sina Charito Solis at Jay Ilagan, at si Charo Santos.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rae Red on directing her first TV series: “Nakaka-pressure pero I try to take it as an advantage na lang, like, I ask for advice. Humihingi ako ng support from them.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results