Manny Pacquiao, idu-donate ang endorsement fee sa typhoon victims

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2020
Manny Pacquiao: "I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can. That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly and Ulysses."

Pormal na ipinakilala si Senator Manny Pacquiao bilang bagong brand endorser ng isang telecommunications company kagabi, November 17.

Pero ang ating mga kababayan ang makikinabang dahil sa kanyang binitiwang salita na "The endorsement fee will be donated to the victims of Typhoon Ulysses."

Malaking tulong ito para sa mga biktima ng mga nagdaang kalamidad bilang alam ng lahat na milyon-milyong piso ang talent fee niya.

Sa kanyang speech, pinasalamatan ng Filipino boxing champ ang management ng telecommunications company dahil siya ang napiling endorser.

Ayon kay Pacquiao, ang coronavirus pandemic ang pinakamatinding laban na kinakaharap ng mga Pilipino, pero hindi dapat mawalan ng pag-asa ang bawat isa.

Sinabi ni Manny na nakikiisa siya sa mga kababayan natin sa laban na ito.

"We are not only determined, we are disciplined. We are not easily distracted, we are focused," bahagi ng speech ng Pambansang Kamao.

"I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can.

Continue reading below ↓

"That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly and Ulysses.

"Ibibigay natin sa mga tao na 'to ang ating income dito. Ibabalik natin sa taumbayan para naman makatulong ito ng malaki sa ating mga kababayan na naghihirap at nagugutom ngayon at nawalan ng tahanan.

"Sama-sama tayong babangon, that is my commitment.

"By God’s grace we can look forward to better days of our nation.

"Remember, the best is yet to come because God is good all the time."

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manny Pacquiao: "I am given another God-given opportunity to be of help to our kababayans in any way I can. That is why my endorsement fee for this endorsement will go to relief efforts to help our kababayans who were affected by the devastation of Rolly and Ulysses."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results