Sikat na showbiz personality, hindi masaya sa kinabibilangang TV show; gustong mag-abroad na lang

by Jojo Gabinete
Nov 18, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Hindi masaya ang isang sikat na showbiz personality sa TV show na kinabibilangan niya kaya may plano siyang magbakasyon sa ibang bansa.

Ang pag-alis sa Pilipinas ang naisip na paraan ng showbiz personality dahil nahihiya siyang magpaalam sa mga taong nagtiwala sa kanya pero binigyan din niya ng malaking pabor.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagbalak ang showbiz personality na talikuran ang entertainment industry.

Nang hindi tangkilikin ng publiko ang drama series na pinagbidahan niya noon, nagplano siyang mag-quit at mamuhay nang tahimik sa ibang bansa.

Nagbago lang ang isip ng showbiz personality nang magkaroon siya ng isang project na muling nagpaingay sa pangalan niya.

Ngayong hindi na naman siya masaya sa takbo ng kanyang career, ang pagpunta sa ibang bansa ang solusyon na muling naisip ng showbiz personality para hindi mahalata ang pag-alis niya sa show.

May mga nagsasabing nagkamali ang showbiz personality nang tanggapin nito ang alok na maging isa sa mga bida ng TV program dahil hindi ito nakatulong sa kanyang popularidad, at tila ganito rin ang pakiramdam niya.

Continue reading below ↓

Truly, ang pagsisisi ay laging nasa huli.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results