Vice President Leni Robredo, sinagot ang tanong kung tatakbo siya sa 2022

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Vice Presidente Leni Robredo: "Dapat sana hindi pini-feed si Presidente ng kasinungalingan kasi ang nako-compromise, si Presidente. At dapat sana, kung may malasakit yung mga nakapaligid sa kanya, dapat binibigyan siya ng 360-degree view kung ano yung mga nangyayari. Hindi yung pini-filter, parang nag-i-instigate pa tuloy."
PHOTO/S: Screen grab from CNN Philippines

Tatakbo nga ba bilang Presidente ng Pilipinas sa 2022 si Vice Presidente Leni Robredo.

Ito ang diretsahang tinanong ni Pia Hontiveros ng CNN Philippines sa panayam niya kay Robredo nitong Miyerkules ng gabi, November 18.

Kaugnay ito ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa address to the nation nito noong November 17, na gagawin niyang "nightmare" ang kampanya ni Robredo kapag tumakbo ito sa 2022.

Pagbabanta ni Duterte kay Robredo: "Matagal na akong maraming sabihin sa 'yo, pero ireserba ko na lang. When you start your campaign, kung magtakbo ka ng presidente, waswasan kita nang husto. This is your nightmare!”

Sa panayam ni Pia kay Robredo kagabi, tinanong niya ang bise presidente tungkol sa political plans nito sa 2022.

"Ma’am, sorry, but we have to bring this up dahil binanggit din ni Presidente and siyempre, a year and a half from now, election period et cetera, are you running in 2022?

Continue reading below ↓

"Everybody remembers what you said in the CNN Philippines Vice Presidential debate in April 2016, you said the last man standing is a woman. Are you running in 2022?" tanong ni Pia.

"Ako, Karen, 2020 pa lang ngayon. Yung history would tell us..." umpisang sagot ni Robredo.

Pero sumingit si Pia upang itama si Robredo sa nabanggit nitong pangalan. Magalang na sabi ng CNN anchor, "Ma’am, sorry, pero hindi po ito si Karen."

“Ay, Pia! I’m sorry again!” natawang reaksiyon ni Robredo sabay takip sa kanyang bibig.

Marahil ang nasa isip ni Robredo ay ang ANC anchor na si Karen Davila.


Continue reading below ↓

Kasunod nito ay seryosong sinagot ng bise presidente ang tanong kung tatakbo siya sa 2022 elections.

Pag-ulit ni Robredo, “Ako, 2020 pa lang ngayon.

"Ang presidential election is far away. Dalawang taon pa.

"And history would tell us ang daming puwedeng mangyari sa isang taon.

"Hindi nga natin alam kung kakandidato pa ako.

"Nung kumandidato ako, Pia, for VP, last minute. Nung kumandidato ako for Congress, the same."

Ayon kay Robredo, hindi ito ang tamang panahon para pag-usapan ang pulitika dahil sa dami ng nagaganap sa ating bansa.

"Pero yung sa akin, ibi-bring up ba natin yung eleksyon at the time of… parang sobrang calamity such as this?

"Hindi lang typhoon pero tatlong magkakasunod," pagtukoy niya sa mga bagyong Quinta, Rolly, at Ulysses na sunud-sunod na nanalasa nang husto sa ilang lugar sa Pilipinas.

"Meron pa tayong COVID, 'tapos ang iniisip natin eleksyon? Ano ba naman ‘yon? Parang this is a time to unite.

Continue reading below ↓

"Kaya ako, Pia, I would have to admit galit talaga ako pag fake news.

"Ako, ang dami kong napapalampas. Kung opinyon mo, sabihin mong inefficient ako, sabihin mong wala akong alam, pabayaan ko na ‘yan.

"Pero kung ang basis mo, kasinungalingan, I will call you out."

FAKE NEWS

Ang tinutukoy ni Robredo ay ang maling mga paratang sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa televised address to the nation nito noong November 17.

Inakusahan ni Duterte si Robredo na siya umanong pasimuno sa pagpapakalat ng hashtag na #NasaanAngPangulo sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.

Inakusahan din ng Pangulo ang bise presidente na nakipag-coordinate sa militar upang gamitin ang isang government-owned aircraft para sa pamamahagi nito ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Mahigpit itong pinabulaanan ni Robredo.

Kalaunan ay humingi ng paumanhin kay Robredo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo sa maling impormasyong ipinarating nila kay Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Pinalagan ng bise presidente ang pagbibigay ng mga maling impormasyon sa Pangulo ng mga taong nakapaligid dito.

Pahayag ni Robredo, "Hindi ko alam kung sino ang pinapaniwalaan niya, pero I am sure na meron.

"Kasi kahit yung pagtanggal sa akin sa gabinete, it was also based on fake news. Parang nauulit na naman.

"And para sa akin, dapat sana hindi ganoon. Dapat sana hindi pini-feed si Presidente ng kasinungalingan kasi ang nako-compromise, si Presidente.

"At dapat sana, kung may malasakit yung mga nakapaligid sa kanya, dapat binibigyan siya ng 360-degree view kung ano yung mga nangyayari.

"Hindi yung pini-filter, parang nag-i-instigate pa tuloy."

Mensahe pa ni Robredo: "Bakit minamasama ninyo yung tulong ko? Hindi ko naman kayo ginagambala."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Presidente Leni Robredo: "Dapat sana hindi pini-feed si Presidente ng kasinungalingan kasi ang nako-compromise, si Presidente. At dapat sana, kung may malasakit yung mga nakapaligid sa kanya, dapat binibigyan siya ng 360-degree view kung ano yung mga nangyayari. Hindi yung pini-filter, parang nag-i-instigate pa tuloy."
PHOTO/S: Screen grab from CNN Philippines
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results