Aga Muhlach: "Tumulong lang tayo nang tumulong."

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Aga Muhlach: "Napakahirap ng nangyayari sa bansa natin, mahirap ang bansa natin, marami ang naghihirap. May bagyo man o wala, may pandemya man o wala, marami ang naghihirap. So, hanggang kaya natin tumulong, tumulong na tayo."
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook

Habang nagsasagutan ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan tungkol sa pagtulong sa mga kababayan nating biktima ng mga sunud-sunod na kalamidad, may panawagan ang aktor na si Aga Muhlach.

Ito ay ipagpatuloy lamang ang pagtulong sa mga nangangailangan.

"Unang-una, maraming salamat sa lahat ng walang tigil na tumutulong.

"Sa akin lang naman, parang may sakuna man o hindi, parati naman taon-taon may nangyayari sa atin, especially this year na marami tayong pinagdadaanan talaga.

“Bilang payo sa lahat, tumulong na lang tayo nang tumulong. May mga tao naman din na walang tigil tumutulong.

"May gobyerno pa rin tayo, may mga tao na maaayos na tutulong talaga. May Diyos pa rin tayong lahat.

"Basta sa atin lang, gawin natin yung hanggang kaya natin. Bukal sa puso natin parati.

"Tumulong lang tayo nang tumulong," giit ni Aga sa virtual presscon ng WeTV kagabi, November 18.

Patuloy niya, "Napakahirap ng nangyayari sa bansa natin, mahirap ang bansa natin, marami ang naghihirap.

Continue reading below ↓

"May bagyo man o wala, may pandemya man o wala, marami ang naghihirap.

"So, hanggang kaya natin tumulong, tumulong na tayo.

"Again, hindi naman sa laki ‘yan. Basta may maitulong, hindi rin parating pera.

"Minsan, salita mo lang, napakalaking bagay o ang oras mo. 'Tapos kapit lang lahat, lalagpas lahat ‘yan."

MIRACLE IN CELL NO. 7 ON WETV

Magpi-premiere sa WeTV sa November 27 ang pinagbidahang pelikula ni Aga, ang Miracle in Cell No.7, ang huling blockbuster Pinoy movie bago dumating sa Pilipinas ang coronavirus pandemic.

Natutuwa si Aga dahil may online streaming platform na gaya ng WeTV na naghahatid sa viewers ng mga Asian TV series at pelikula.

"Parang na-excite ako because it’s nice that they were able to… kasi minsan gagawa ka ng pelikula lang in terms of ticket returns. Minsan, nakakatakot to experiment.

"But because of this platform, this WeTV, parang mas nakakatapang gumawa ng mga pelikula na gusto mong gawin talaga, na feeling mo may saysay, na hindi ka mag-iisip na panoorin mo kaya ito o hindi.

Continue reading below ↓

"I’m excited kahit in the near future gusto kong makagawa ng pelikula para dito [WeTV].”

Kinumpirma rin ni Aga sa presscon na gagawa uli siya sa 2021 ng remake ng isang Korean movie.

"Siguro ia-announce namin next year. Basta maganda yung pelikula na gagawin ko," sabi ni Aga.

Itinuturing naman ni Aga na kakaibang karanasan ang taping niya para sa Masked Singer Pilipinas, ang musical mystery competition ng TV5.

"I got busy with Masked Singer Pilipinas which was an experience because first time ko na nag-work na merong mga testing, may mga cubicle kayo, you’re all separated, you’re all wearing your shields.

"Aside from that, we’re just home, kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aga Muhlach: "Napakahirap ng nangyayari sa bansa natin, mahirap ang bansa natin, marami ang naghihirap. May bagyo man o wala, may pandemya man o wala, marami ang naghihirap. So, hanggang kaya natin tumulong, tumulong na tayo."
PHOTO/S: Viva Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results