Patricia Javier namigay ng bigas, vitamins, at yero sa mga nasalanta ng bagyo

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Namahagi ng galvanized iron sheets o yero at iba pang relief goods ang actress-beauty queen na si Patricia Javier (gitna, naka-black) sa ilang residente ng Rodriguez, Rizal na binaha na nga ay nasunugan pa ng bahay.

Doble ang pasakit na naranasan ng mga residente sa Barangay Burgos, Rodriguez (formerly Montalban), Rizal.

Bukod sa lumubog sa baha ang kanilang mga bahay dulot ng malakas na hangin at ulan na hatid ni Typhoon Ulysses noong November 12, mahigit sa dalawampu ang bilang ng mga pamilyang nasunugan ng tahanan.

Ang mga nabasang linya ng kuryente ang sanhi ng sunog kaya pansamantalang nanirahan sa isang covered basketball court ang mga kababayan nating naperwisyo ni Ulysses.


Continue reading below ↓

Nang makarating kay Patricia Javier ang malungkot na balita, sinadya niya ang Barangay Burgos nitong Miyerkules ng hapon, November 18.

Nag-donate siya ng galvanized iron sheets o yero.

“Nagbigay kami ng mga yero na tinawag namin na Roof Of Hope para sa mga binaha at nasunugan.

"Nung bumalik kasi sila sa mga bahay nila, nabuksan agad ang kuryente. Basa pa ang mga linya at ito ang pinagmulan ng sunog," kuwento ni Patricia tungkol sa pagbisita niya sa Barangay Burgos.

Hindi lamang mga yero ang tinanggap ng mga nasunugan. Namahagi rin si Patricia ng mga bigas, Doc Rob’s Vitamin C, at food supplements na sariling produkto ng kanyang chiropractor husband na si Dr. Rob Walcher.

Mga bigas at vitamins din ang donasyon ni Patricia, ng Doc Rob Foundation, at ng Noble Queen of the Universe LTD. sa mga residente ng Marikina City. Personal itong tinanggap ni Mayor Marcy Teodoro.


Continue reading below ↓

Nagbigay rin ang grupo ni Patricia ng GI sheets para sa sampung bahay sa Barangay San Miguel, Pasig City, na winasak ni Typhoon Ulysses.

Nangako si Patricia na maghahatid sila ng tulong sa linggong ito para sa mga kababayan natin sa Antipolo at San Mateo, na hindi pa nakababangon mula sa pananalanta ni Typhoon Ulysses.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namahagi ng galvanized iron sheets o yero at iba pang relief goods ang actress-beauty queen na si Patricia Javier (gitna, naka-black) sa ilang residente ng Rodriguez, Rizal na binaha na nga ay nasunugan pa ng bahay.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results