Isay Alvarez, napakanta nang makita ang malaking saging

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Namangha at napakanta ang singer-actress na si Isay Alvarez nang masilayang ang malaki at mahabang saging (kaliwa) mula sa lupain ng kanyang kapatid sa Bulacan. Bago ito ay nag-post din si Isay ng larawan niya hawak ang malaking mangga na halos kasing laki ng kanyang mukha.
PHOTO/S: Instagram

Punumpuno na ng hatred ang social media dahil sa mga political issues at walang katapusang reklamo ng mga kababayan nating hindi na yata marunong magbilang ng mga biyayang natatanggap nila.

Kaya may hatid na tuwa at good vibes ang mga social media post ng talented singer at actress na si Isay Alvarez.

Tawang-tawa at napakanta si Isay nang makita ang malalaking saging na padala sa kanya ng kapatid niya.

"Galing ‘yan sa kapatid ko. Yung mga gulayan sa tabi ng lupa nila sa San Idefonso, Bulacan, nabuwal ang mga tanim at isa ‘yan sa mga ibinigay sa kanila.

"Tawang-tawa ako. Napakanta ako ng kanta ni Katy dela Cruz sa Katy, The Musical," kuwento ni Isay sa Cabinet Files tungkol sa kamangha-manghang saging na may malaking sukat.

Plano niyang pahinugin ang saging bago kainin.

Si Isay ang gumanap na Katy dela Cruz, ang Queen of Bodabil at Queen of Filipino Jazz, sa restaging nito sa Cultural Center of the Philippines noong January 2013.

Continue reading below ↓


Ito ang dahilan kaya memoryado niya ang kantang may pamagat na "Saging."

Bahagi ng lyrics nito:

“Nagugutom ako / Di ka pa dumating / Di tuloy ako kumain

"Di ba't sabi mo kung ikaw ay darating / Mag uuwi ka ng saging

"Wala ka na namang pasalubong / At ginabi ka pa nang malalim

Continue reading below ↓

"Siguro nga ika'y dumaan kay Pacing / Kaya naiwan mo'ng... SAGIÌIIINGGGGG!"

Bago nag-post si Isay ng larawan nila ng saging sa Isntagram, ibinahagi muna niya ang litrato ng mangga na kasing-laki naman ng kanyang mukha at bunga ng puno sa bakuran nila sa Bulacan.

Trivia: Si Mitch Valdes ang gumanap na Katy dela Cruz sa Katy,The Musical na unang itinanghal sa Rizal Theater, Ayala Avenue, Makati City, noong November 1988.

Giniba ang Rizal Theater noong 1989 at ang dating puwesto nito ang kinatitirikan ngayon ng Makati Shangri-La.


Continue reading below ↓

Naimbitahan kami noon sa gala night ng Katy, The Musical at dito namin nakita nang personal si Katy Dela Cruz. Maligayang-maligaya si Katy dahil napakaganda ng musical play tungkol sa kanyang personal na buhay.

Ang "Minsan ang Minahal Ako" na nilikha ni Ryan Cayabyab ang isa sa mga hindi malilimutang awit mula sa Katy, The Musical.

Sumasalamin ito sa buhay ng lahat ng mga artistang minsan ay minahal ng publiko noong kasikatan nila hanggang lumamlam ang kinang ng kanilang mga bituin.

MORE CABINET FILES STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Namangha at napakanta ang singer-actress na si Isay Alvarez nang masilayang ang malaki at mahabang saging (kaliwa) mula sa lupain ng kanyang kapatid sa Bulacan. Bago ito ay nag-post din si Isay ng larawan niya hawak ang malaking mangga na halos kasing laki ng kanyang mukha.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results