Painting ni former President Cory Aquino na dating pag-aari ni Ai-Ai delas Alas, ipapa-auction

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Three years ago, ibinigay ni Ai-Ai delas Alas (kaliwa) sa isang kakilala ang painting ni dating President Cory Aquino na ibinigay sa kanya ni Kris Aquino noong magkaibigan pa sila.
PHOTO/S: Instagram

Kinumpirma ni Ai-Ai delas Alas na totoo ang kuwentong ibinigay niya sa isang kakilala, nang walang anuman na kapalit, ang painting ni former President Cory Aquino.

Ang painting ay iniregalo sa kanya ni Kris Aquino, anak ni Cory, noong magkaibigan pa sila.

May pamagat na "Please Help Me" ang oil on canvas painting ng isang babaeng lumuluha. Ipininta ito ni Cory noong 2005.

May sukat itong 36 cm x 46 m, at may pirma ng dating Pangulo ng Pilipinas na namayapa noong August 1, 2009.

Bert ang pangalan ng mapalad na lalaking pinagkalooban ni Ai-Ai ng painting ni Aquino, tatlong taon na ang nakararaan.

Si Bert ang madalas tinatawagan ni Ai-Ai kapag gusto nitong magbawas ng mga gamit sa bahay.

"Ibinigay ko kay Bert ang painting three years ago. Yun ang time na nagbawas ako ng mga gamit dahil lumipat kami sa bagong bahay ko sa Quezon City," kuwento ni Ai-Ai sa Cabinet Files.

Continue reading below ↓

Tinawagan namin si Ai-Ai sa cell phone at inabala habang nagaganap ngayon ang taping niya para sa The Clash ng GMA-7.

Gusto kasi naming malaman ang katotohanan tungkol sa painting ni Cory na for auction sa kategorya ng Kingly Treasures Auction ng Leon Gallery sa Makati City, at may presyong P200,000.

Nagkaroon kami ng interes na malaman ang kuwento tungkol sa painting dahil sa report na inilabas ng ABS-CBN News noong November 14, 2020.

Bahagi ng report: "There is a painting by former Philippine President Corazon Aquino, previously owned by movie and TV actress Ai Ai Delas Alas. Entitled 'Please Help Me,' it is an oil on canvas work, signed and dated 2005, and identified in the auction catalogue as a gift from Aquino to Delas Alas, formerly a close friend of the artist’s daughter Kris."

Nalaman ni Ai-Ai noong nakaraang linggo na nakatakdang i-auction ang "Please Help Me" painting ni Cory dahil sa text message na natanggap niya mula kay Bert.

Continue reading below ↓

Ipinaalam ni Bert kay Ai-Ai na dinala ng kanyang apo sa Leon Gallery ang painting at kasama na nga ito sa Kingly Treasures Auction na may live bidding sa November 28, 2020.

Isa lang ang hiniling ni Ai-Ai kay Bert, ang magbahagi ito ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng Typhoon Rolly at Ulysses kapag nabenta ang painting ni Aquino.

Hindi nagdalawang-salita si Ai-Ai dahil sinabi ni Bert na talagang balak nitong magbigay ng donasyon sa mga biktima ng bagyo kung sakaling mabili ang "Please Help Me."

Akmang-akma ang pamagat nito sa mga Pilipinong humihingi ng tulong dahil napinsala sila ng mga sunod-sunod na kalamidad na dumating sa bansa natin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three years ago, ibinigay ni Ai-Ai delas Alas (kaliwa) sa isang kakilala ang painting ni dating President Cory Aquino na ibinigay sa kanya ni Kris Aquino noong magkaibigan pa sila.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results