Minzy, gustong makipag-collaborate kina Sarah Geronimo at Ella Cruz

by Jojo Gabinete
Nov 19, 2020
Sa virtual conference ng Korean singer-dancer na si Minzy (gitna), binanggit niya sina Sarah Geronimo (kaliwa) at Ella Cruz (kanan) sa Pinoy artists na gusto niyang maka-collaborate.
PHOTO/S: Instagram

Sina Sarah Geronimo at Ella Cruz ang dalawa sa mga local celebrities na nais makatrabaho ni Minzy, ang singer at former main dancer ng popular South Korean girl group na 2NE1.

Nalaman ni Minzy na fan si Ella ng 2NE1 kaya gusto niyang magkaroon sila ng collaboration project kapag bumisita na siya sa Pilipinas.

Pangarap din ni Minzy na magkasama sila ni Sarah dahil napakinggan niya ang "Tala," ang phenomenal hit song ng Filipina singer-actress na meron nang 162 million views sa YouTube.

Si Minzy ang bagong contract artist ng Viva Artist Agency, pero hindi natuloy ang pagdalaw niya sa bansa dahil sa coronavirus pandemic.

Instead, humarap na lang si Minzy sa Philippine media sa isang virtual presscon nitong Huwebes ng hapon, November 19. Kasama niya ang South Korean translator na si Sandra Jung.

Sa pamamagitan ni Sandra, ikinuwento ni Minzy ang mga plano sa kanya ng VAA. Ibinigay rin niya ang assurance na bibisita siya sa Pilipinas kapag natapos na ang pandemya.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Minzy na gusto niyang magkaroon ng showbiz career sa ating bansa dahil alam niyang mga Pilipino ang isa sa mga sumusuporta sa kanya sa tuwing naglalabas siya ng record album.

Binanggit din ni Minzy ang pagkakaroon ng maraming Pinoy fans na pinadadalhan siya ng mga litrato at poster na may kinalaman sa kanya kaya ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ng mga Pilipino.

Ang matinding suportang natatanggap niya mula sa ating mga kababayan ang dahilan kaya nag-record si Minzy ng Tagalog version ng kanyang hit Korean song na "Lovely."

Pahayag ng 26-year old Korean singer, sa pamamagitan ng kanyang translator, "I’m starting to learn Tagalog step by step, and my first step was recording the Tagalog version of 'Lovely.'

"Regalo ko para sa Filipino fans.

"I will do more Tagalog songs para sa mga Pilipino kaya sana abangan ninyo and please support me."

Ipinagmalaki ni Minzy na hindi siya nahirapan sa pagbigkas ng Tagalog nang mag-recording siya para sa local version ng "Lovely."

Continue reading below ↓

Tulad ng ibang mga Koreano, ang salitang "Mahal kita" ang kanyang unang natutuhan.

Sa November 20 ang release ng Tagalog version ng "Lovely" sa lahat ng digital streaming platforms at ang suportahan ito ang lambing ni Minzy sa kanyang Filipino fans.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa virtual conference ng Korean singer-dancer na si Minzy (gitna), binanggit niya sina Sarah Geronimo (kaliwa) at Ella Cruz (kanan) sa Pinoy artists na gusto niyang maka-collaborate.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results