Aktor na mainstay ng isang show, nanganganib matanggal dahil sa upcoming show niya sa rival network

Nov 20, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Mainstay ng isang TV show ang aktor.

Pero nanganganib itong mawalan ng source of income dahil nalaman ng network management na magkakaroon siya ng bagong programa sa karibal na TV station.

Ayaw ng network management na napapanood sa ibang TV station ang mga artistang may show sa kanila—exclusive man o hindi ang kontrata.

Sooner or later, kailangan ng aktor na magdesisyon kung alin sa dalawang TV network ang pipiliin niya. Mahirap itong gawin dahil may binubuhay siyang pamilya.

Hindi malaki ang talent fee at lalong hindi superstar ang kategorya ng aktor sa entertainment industry, kaya malaking bagay sa kanya ang magkaroon ng dalawang programa sa magkaibang TV stations.

Pero malabo itong mangyari dahil sa kabila ng coronavirus pandemic, pagbawi sa franchise ng ABS-CBN, at sunud-sunod na kalamidad na dumarating sa ating bansa, buhay na buhay pa rin ang network war.

Hindi nag-iisa ang aktor dahil nauna nang nawalan ng programa sa tinutukoy na TV network ang ibang mga artistang may regular na programa sa karibal na TV station.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results