Bagong Christmas song ni Martin Nievera, napapanahon ngayong new normal

by Jojo Gabinete
Nov 20, 2020
Composer Louie Ocampo (left) and singer Martin Nievera collaborate for the Concert King's new Christmas song, "A Brand New Christmas."
PHOTO/S: Vicor Records

Isang buwan matapos ang announcement tungkol sa homecoming niya sa Vicor Records noong October 14, 2020, naglabas si Martin Nievera ng original Christmas song.

"A Brand New Christmas" ang pamagat ng Christmas song ng Concert King.

Si Martin ang sumulat ng lyrics, at nilapatan ito ng musika ng composer na si Louie Ocampo.

Ito ang unang single ni Martin nang magbalik siya sa Vicor Records, ang music company na nagbigay sa kanya ng malaking break sa recording industry noong August 1982.

“It’s a Christmas song in the new normal, about the new normal.

“This is about the Christmas we don’t know about yet,” paliwanag ni Martin tungkol sa Christmas song.

Ayon sa kanya, sa kanta niya kauna-unahang ginamit sa lyrics ang oft-used phrase na "new normal."

Very timely ang Pamaskong handog ni Martin dahil maghahatid ng pag-asa at bagong simula para sa lahat sa panahon ng COVID-19 pandemic ang" A Brand New Christmas."

Continue reading below ↓

Naniniwala si Martin na hindi mawawala ang Christmas spirit sa mga Pilipino, sa kabila ng mga kalamidad at pandemya na nararanasan ng ating bansa.

“It takes more than just a storm or even a pandemic to take away the Christmas spirit of the resilient Filipinos.

“We’re so good at turning a calamity into a celebration of life and of survival. And it’s because of this resiliency that Filipinos are born with, that the Christmas spirit is not going to disappear from this country.”

"Magic" naman ang description ni Louie tungkol sa collaboration nila ni Martin makalipas ang matagal na panahon.

Ang "You Are My Song" at "Forever" ang dalawa sa mga popular collaborations noon nina Louie at Martin.

“It really feels good because it’s been awhile since we worked on a song together.

"The best thing about it was it was so spontaneous. It was magic," reaksiyon ni Louie tungkol sa bagong project nila ng Concert King ng Pilipinas.

Continue reading below ↓

Trivia: Ang "Christmas Won’t Be The Same Without You" ang unang Christmas song na isinulat ni Martin noong 1987 para sa kanyang then fiancée na si Pops Fernandez.

Kinanta ni Pops ang" Christmas Won’t Be The Same Without You" sa Christmas special ng Penthouse Live, ang TV show nila ni Martin sa GMA Network noong 1987.

Ang maraming Paskong hindi kasama ni Pops ang kanyang ama na si Eddie Fernandez, dahil nakulong ito, ang inspirasyon ni Martin nang isulat nito ang "Christmas Won’t Be The Same Without You."

The following year, ni-record ni Martin para sa unang Christmas album niya sa Vicor Music Corporation ang "Christmas Won’t Be The Same With You." Naging big hit ito.

Hanggang ngayon, patuloy na pinatutugtog sa radyo ang first Christmas song ever ni Martin tuwing sumasapit ang Pasko.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Composer Louie Ocampo (left) and singer Martin Nievera collaborate for the Concert King's new Christmas song, "A Brand New Christmas."
PHOTO/S: Vicor Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results