Claudine Barretto inoperahan ang kanang kamay

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2020
Claudine Barretto in hospital gown at St. Luke's Hospital.
Dokumentado ni Claudine Barretto ang pinadadaanang operasyon ngayon sa kanyang kanang kamay sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories para sa kanyang fans.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram

Dasal mula sa kanyang supporters at fans ang hiling ni Claudine Barretto para sa right hand surgery niya na nangyari ngayong umaga ng Linggo, November 22, 2020.

Madaling-araw pa lang, gising na si Claudine para sa kanyang operasyon sa St.Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City sa Taguig.

Sinabi ni Claudine na may nararamdaman siya na takot pero kakayanin niya ang emergency procedure na hindi na puwedeng ipagpaliban.

“Sorry I really look terrible. Ang sama ng itsura ko, mukhang may sakit talaga ako. I’m asking everybody to please pray for me and not to worry, my palanggas and Claudinians, strong naman ako, kaya ko naman.

“I’m really scared pero my Ate Gretchen ever since this morning, she’s making me laugh and laugh and laugh so at least naging maganda ang araw ko.”

Dokumentadong mabuti ni Claudine ang pananatili niya sa ospital simula kahapon hanggang kagabi bago siya matulog dahil napanood ito nang live sa kanyang Instagram account.

Continue reading below ↓

Ngayong umaga, live din na ipinakita ni Claudine ang pagdadala sa kanya ng mga nurse ng St. Luke’s Medical Center sa operating room, kasunod ang pangako na magbibigay siya ng update tungkol sa procedure na pinagdaanan niya.

Hindi nagbigay si Claudine ng kumpletong detalye tungkol sa nangyari sa kanyang kamay.

Continue reading below ↓

Ikinuwento lang niya na nagkaroon ng injury ang kanyang right hand nang ma-confine siya sa ospital habang nakaburol ang tatay niya na si Miguel Barretto na sumakabilang-buhay noong October 2019.

Matatandaang naiulat na nagkasakitan sina Claudine at ang ate niyang si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang ama, kaya siya na-confine noon sa ospital.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dokumentado ni Claudine Barretto ang pinadadaanang operasyon ngayon sa kanyang kanang kamay sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories para sa kanyang fans.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results