Masked Singer Pilipinas judges, nagulat sa pag-unmask ni Masked Singer Agila

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2020
Masked Singer Agila in Masked Singer Pilipinas.
Nagulat ang judges ng Masked Singer Pilipinas sa pag-unmask ni Agila dahil hindi nila nahulaan ang tao sa likod ng maskara.
PHOTO/S: Screengrab from Masked Singer Pilipinas

Walang tumama sa mga hula ng judge detectives ng Masked Singer Pilipinas.

Bigo sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Matteo Guidicelli, Kim Molina, at ang guest judge na si Hajji Alejandro na matukoy ang katauhan ng mystery singer na nakatago sa maskara at costume ni Agila.

Sina Mitoy Yonting, Lloyd Zaragosa, Juan Miguel, at Gabby Concepcion ang mga pangalan na binanggit ng judge detectives sa November 21 episode ng musical mystery competition ng TV5.

Nagulat sila nang hubarin ni Agila ang maskara dahil ang Side A vocalist na si Joey Generoso ang nasa likod nito.

Joey Generoso as Masked Singer Agila in Masked Singer Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Fun pala talaga dito, nakakatuwa...ang saya-saya, masaya. Kung alam ko lang na yan ang mga judges, sana hindi na ako sumali. Kabisado ako ng mga ‘yan.

“Napakasaya, ang sarap. Ibang experience ito. Ngayon lang ako kumanta ng naka-mask,” reaksyon pa ni Joey nang alisin nito ang suot na maskara.

Nahirapan ang judge detectives na hulaan ang identity ni Joey dahil binago niya ang boses habang kumakanta.

Nagulat si Aga nang makita nito si Joey dahil nagkakasama sila noon sa mga concert pero hindi siya nagtagumpay na mahulaan ang katauhan ng lead vocalist ng Side A.

Si Joey ang tumanggap ng pinakamababa na boto mula sa judge detectives at Masked Universe kaya siya ang nagpaalam sa Masked Singer Pilipinas.

Natapos ang Masked journey ni Joey dahil ang kanyang kalaban na si Adarna na pinaghihinalaan na si Roselle Nava ang ibinoto ng judge detectives at ng Masked Universe.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang judges ng Masked Singer Pilipinas sa pag-unmask ni Agila dahil hindi nila nahulaan ang tao sa likod ng maskara.
PHOTO/S: Screengrab from Masked Singer Pilipinas
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results