The Clash journey ni Cholo Bismonte, nagwakas na

by Jojo Gabinete
Nov 22, 2020
Cholo Bismonte and Pops Fernandez in The Clash Season 3.
Tuluyan nang napaluha si Cholo Bismonte habang kinakausap siya ng The Clash Season 3 judge na si Pops Fernandez.
PHOTO/S: Screengrab from The Clash Season 3

Nagwakas ngayong gabi ang The Clash Season 3 journey ni Cholo Bismonte, ang singer na dating kasama nina Julie Anne San Jose at Rita Daniela noon sa kiddie musical group na SugarPop.

Kasama ang The Clash Season 3 contender na si Princess Vire, hindi naligtasan ni Cholo ang Double Elimination round ng The Clash.

Naalis si Cholo sa kabila ng kanyang madamdamin na pag-awit ng "Go The Distance," ang soundtrack ng 1997 Disney animated movie na Hercules at pinasikat noon ni Michael Bolton.

Tuluyan nang napaiyak si Cholo nang sabihin ni The Clash Judge Pops Fernandez na, “Naiyak ako, na-touch ako. I felt you, I felt the song.

"I know that you sing very, very well. I think you got carried away with the song. Your notes were good.

“I want you to go the distance. I am one of those who wanna see you go this distance. I think you have a long way to go.”

Continue reading below ↓

Nagkaroon ng idea ang televiewers na magpapaalam na si Cholo sa reality competition show ng GMA-7 dahil may pahiwatig ang mga salita na binitiwan ng judge na si Christian Bautista.

“The thing with this song, the distance can be short, can be long pero he’s enjoying every mile.

“Katulad ng kanta, like you enjoyed it before, like you’re enjoying it now. You’re feeling it, na-feel naming lahat. You want it, you want it so bad.

“It should not end, this desire to go the distance whether you push through sa next level or not. It’s okay to take a rest. It’s okay to hold back.

"Pero like what you did, yung bravery mo to join again, that’s tough. And ipinakita mo sa lahat na you have that inner strength na you wanna prove to yourself and to others again that you can do it.

"But the thing is, dito sa round na ito, it’s gonna be hard. All of you are good but we gotta take out half.

Continue reading below ↓

"It doesn’t mean that you’re not worth the distance. It’s just mean it’s just another stopover on the road.

"Nonetheless thank you for your very emotional performance."

Nagpapasalamat naman si Cholo sa The Clash dahil tinuruan siya ng programa na muling mangarap.

Sampu na lamang ang mga contestant ng The Clash at mag-uumpisa sa November 28 ang tagisan ng galing sa pagkanta nina Sheemee Buenaobra, Larnie Cayabyab, Jennie Gabriel, Nina Holmes, Yuri Javier, Fritzie Magpoc, Shannen Montero, Audrey Mortilla, Renz Robosa, at Jessica Villarubin.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tuluyan nang napaluha si Cholo Bismonte habang kinakausap siya ng The Clash Season 3 judge na si Pops Fernandez.
PHOTO/S: Screengrab from The Clash Season 3
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results