Wala munang celebration with kid patients si Gab Lagman

by Jojo Gabinete
4 days ago
Gab Lagman wearing a hoodie and a crown.
Dahil sa coronavirus pandemic, hindi magawa ni Gab Lagman ang ginagawa niya taun-taon tuwing birthday niya mula nang maging artista siya.
PHOTO/S: @gablagman Instagram

Ngayong Linggo, November 22, ang 25th birthday ni Gab Lagman.

Pero dahil sa coronavirus pandemic, hindi nangyari ang kanyang tradisyon na pagbisita sa mga pasyente ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Mula nang maging artista siya, nakasanayan na ni Gab na ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa piling ng young cancer-stricken patients ng nabanggit na ospital.

Pero hindi ngayong 2020 dahil sa health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Hindi man siya nakapunta ngayon sa PCMC, itutuloy ni Gab bukas, November 23, ang kanyang feeding program, ang pamamahagi ng mga face shield at face mask sa frontliners at sa mga pasyente.

Tutulungan si Gab ng kanyang pamilya at ng mga supporter niya, ang GabSquad at GabNatics.

At para sa kanyang 25th birthday, ang bumalik na sa normal ang sitwasyon sa buong mundo ang hiling ni Gab.

“I wish 2021 will be a better and blessed year for everyone. Hoping everything will go back to normal.”

Continue reading below ↓

At bilang pag-iingat laban sa coronavirus pandemic, hindi lumabas ngayon ng bahay si Gab.

Nagkaroon lamang siya ng simpleng birthday celebration sa tahanan nila, kasama ang kanyang pamilya.

Ang Init Sa Magdamag ang bagong television series ni Gab sa ABS-CBN at cast member din siya ng He's Into Her, ang upcoming series ng iWant TFC.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa coronavirus pandemic, hindi magawa ni Gab Lagman ang ginagawa niya taun-taon tuwing birthday niya mula nang maging artista siya.
PHOTO/S: @gablagman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results