Mystica, ayaw makasama sa kuwarto si Kiray Celis

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2020
Naghayag ng kanyang "concern" si Mystica (kaliwa) tungkol sa trato umano sa kanya sa lock-in taping taping ng upcoming Kapuso show na Owe My Love. Kabilang dito ang pagsi-share nila ng kuwarto ng co-star niyang si Kiray Celis (kanan).
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Nagsimula ang lock-in taping ng Owe My Love, comedy-drama series ng GMA Public Affairs, sa isang resort sa Bocaue, Bulacan, noong nakaraang linggo.

Kabilang sa cast members sina Mystica, Kiray Celis, Winwyn Marquez, Buboy Villar, Nova Villa, Benjamin Alves, at Lovi Poe.

Dahil sa ipinatutupad na health protocols laban sa coronavirus pandemic, sumailalim ang lahat, kasama ang production staff, sa swab test bago nag-umpisa ang taping.

Kaya hindi sila pwedeng lumabas mula sa resort hanggang hindi nakukunan ang mga eksena nila.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpapapasok ng ibang tao na walang kinalaman sa production, lalo na ang mga hindi dumaan sa swab test.

RELATED STORY

Sa simula pa lang, may mga "concern" na si Mystica tungkol sa taping niya para sa Owe My Love.

Una, hindi raw sinabi sa kanyang mananatili siya sa resort para sa lock-in taping.

Pangalawa, nagtataka si Mystica dahil binigyan ng sariling kuwarto ang ibang mga artista, pero pinagsama sila ni Kiray sa isang kuwarto.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Mystica na ayaw niyang makasama si Kiray sa kuwarto dahil sa kanyang katwirang magkaiba ang kanilang mga lifestyle at prinsipyo pagdating sa privacy.

Inireklamo rin ni Mystica na “taken for granted” ito dahil nakalimutan siyang dalhan ng almusal kahapon, November 22.

Ang nalimutang pagdadala sa kanya ng almusal ang last straw kaya nagpasyang umalis si Mystica sa resort kaninang alas-tres ng madaling-araw.

Nagbanta rin siyang magdedemanda dahil sa naging trato sa kanya.

Kinunan ni Mystica ng videos ang pag-alis niya sa resort dahil yun daw ang kanyang gagamiting mga ebidensiya laban sa mga taong ipinagwalang-bahala raw ang mga concern niya.

Bukas ang PEP.ph sa panig ng mga nasa produksiyon ng Owe My Love kaugnay ng mga reklamo ni Mystica.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naghayag ng kanyang "concern" si Mystica (kaliwa) tungkol sa trato umano sa kanya sa lock-in taping taping ng upcoming Kapuso show na Owe My Love. Kabilang dito ang pagsi-share nila ng kuwarto ng co-star niyang si Kiray Celis (kanan).
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results