Beauty queen-turned-singer Imelda Schweighart: "I hate K-pop."

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2020
Former Miss Earth Philippines Imelda Schweighart: "Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride please?"
PHOTO/S: Facebook

"I hate K-pop."

Ito ang deklarasyon ng dating beauty queen na si Imelda Schweighart, na ni-reinvent ang sarili bilang singer.

Bukod sa pagkamuhi niya sa K-pop—na tiyak aalmahan ng Pinoy K-pop fans—sinabi ng dating Willing-Willie co-host (2010 to 2011) na nawawalan na ng identity ang mga Pilipino dahil sa panggagaya sa mga Koreano.

"Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride please?

"Di-hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean. Kala ko ba Chinese nananakop?

"I think we’re getting it wrong. Lagi na lang tayo sinasakop," pahayag ng Filipino-Austrian former beauty queen sa kanyang Facebook post ngayong Lunes ng hapon, November 23.


Continue reading below ↓

Milyun-milyon ang bilang ng mga Pilipino na humahanga at sumusuporta sa mga K-pop groups, kaya malaki ang tsansang hindi palampasin ng die-hard K-pop fans ang opinyon ni Imelda.

THE CONTROVERSY

Minsan nang naging kontrobersiyal at nakaranas ng mga batikos si Imelda dahil sa viral video ng paninira niya kay Miss Ecuador Katherine Espin, ang Miss Earth winner noong 2016.

Si Imelda ang Philippine bet sa 16th Edition ng Miss Earth na ginanap sa Mall of Asia Arena noong October 29, 2016. Pero hindi man lamang siya nakabilang sa Top 16 candidates.

Nang matapos ang coronation ceremony, nakunan ng video si Imelda habang nakikipag-usap sa kanyang mga supporters. Dinig na dinig ang sinabi niyang peke ang ilong, baba, at boobs ni Espin.

Mabilis na kumalat ang video kaya naging bashing victim at tumanggap si Imelda ng online threats dahil sa inasal niya.

Nang ipatawag si Imelda ng Miss Earth Organization head na si Lorraine Schuck, humingi siya ng paumanhin.

Continue reading below ↓

Nagbitiw rin siya bilang Miss Earth Philippines 2016 dahil hindi na raw niya kaya ang mga natatanggap na banta at batikos.

Sinabi ni Imelda na desisyon ng kanyang ina na dalhin siya sa New Zealand para makaiwas sa mga kontrobersya. Pero makalipas ang ilang buwan, lumitaw ang lihim ng dating beauty queen.

Lumabas ang katotohanang buntis na si Imelda nang i-represent nito ang Pilipinas sa Miss Earth 2016 noong October 2019. Isinilang niya ang kanyang anak noong July 21, 2017.

Bago nag-viral ang video ng paninira ni Imelda kay Espin, nakatikim muna siya ng mga banta at batikos dahil ikinumpara niya si President Rodrigo Duterte sa German dictator at Nazi Party leader na si Adolf Hitler.

"Because all my life I was always teased by fellow Filipinos as 'Hitler' because they are not well-informed that Hitler was not German. In fact, Hitler was Austrian.

"So when I saw my fellow delegate, I made a soft joke about it out of my excitement.

Continue reading below ↓

"I am an extremist so forgive me my fellow Filipinos and Duterte supporters if you didn't understand how I am.

"I got that idea wherein I said, 'Duterte is doing Hitler stuff' from online news, newspapers with headlines saying he is Hitler-like but for the good.

"I was just not able to explain what I really meant further in Facebook live because my mind was occupied with the other delegates I want to capture on my Facebook Live cover," paumanhin at paliwanag noon ni Imelda, na nalalagay sa alanganing sitwasyon dahil sa kanyang mga social media post.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Miss Earth Philippines Imelda Schweighart: "Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride please?"
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results