Skin care clinic nina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens, tinangkang pasukin ng mga magnanakaw

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2020
Ibinahagi ng mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens (kaliwa) ang CCTV footage ng isa sa mga suspek (kanan) na nangtangkang pasukin ang kanilang skin care clinic sa BF Homes, Parañaque City, noong Linggo, November 22.
PHOTO/S: Instagram / Courtesy of Jimwell Stevens

Dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang nagtangkang pasukin ang skin care clinic ng mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens sa President Avenue, BF Homes, Parañaque City.

Nangyari ang insidente kahapon ng madaling-araw, November 22. Pero nadiskubre lamang ito nang dumating ang mga empleyado nila kaninang umaga, November 23.

“Tumawag sa akin kaninang 9:30 a.m. ang aming staff. Sinabi nilang bukas yung scaffolding ng store namin, pero sarado naman yung glass door,” bungad na kuwento ni Rochelle nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong gabi.

Agad na pumunta sina Rochelle at Jimwell sa kanilang tindahan para mag-imbestiga.

Hindi nagkamali ang hinala nilang muntik nang mapagnakawan ang kanilang tindahan dahil kitang-kita ang buong pangyayari nang i-playback ni Jimwell ang CCTV camera.

Ayon kay Rochelle, “Ni-review ni Jimwell ang CCTV camera at nakita niyang dalawa pala ang nagtangkang pumasok sa store namin.

“Grabe ang kaba ko dahil first time naming maka-experience nang ganito.

Continue reading below ↓

"Two weeks ago, pinasok din yung katabi naming tindahan at may mga nawala sa kanilang mga importanteng gamit.

"Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi sila nakapasok, pero may mga yupi na ang side ng main door namin."

Ikinuwento naman ni Jimwell na sarado tuwing Linggo ang kanilang skin care clinic, at natuklasan nga nila ang tangkang pagnanakaw dahil nakita ng staff ang padlock na sinira ng magnanakaw.

Ipina-blotter na ni Jimwell sa barangay ang insidente, pero plano pa rin niyang i-report ang foiled burglary sa Parañaque Police bukas, November 24.

Kinunan ni Jimwell ng litrato ang mga suspect mula sa CCTV footage dahil sa pagbabakasakaling may mga makakilala sa masasamang-loob at maipadakip ang mga ito.

Ibinahagi ni Jimwell sa Cabinet Files ang mga larawang kuha niya para mabigyan ng babala ang publiko.

Nagpapasalamat naman si Rochelle dahil sarado ang kanilang tindahan nang pagtangkaan itong pasukin kaya nakaligtas sa kapahamakan ang mga tauhan nila.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinahagi ng mag-asawang Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens (kaliwa) ang CCTV footage ng isa sa mga suspek (kanan) na nangtangkang pasukin ang kanilang skin care clinic sa BF Homes, Parañaque City, noong Linggo, November 22.
PHOTO/S: Instagram / Courtesy of Jimwell Stevens
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results