Mystica, hindi pa tapos ang pagra-rant tungkol sa Owe My Love taping; nainsulto sa tanong ni Divine Tetay na "Are you drunk?"

by Jojo Gabinete
Nov 23, 2020
Mystica on her experience during lock-in taping of Owe My Love: "From the start pa lang, everything is not going smoothly in terms of yung service nila sa akin. Nasaan ang proper treatment?"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Inalis na si Mystica sa cast ng upcoming Kapuso romantic-comedy series na Owe My Love.

Ito ay dahil sa kanyang mga reklamo laban sa production staff at sa mga rant niya sa group chat nila nitong Lunes ng madaling-araw, November 23.

Ilan sa mga reklamo ni Mystica ay ang biglaang taping, ang hindi umano pagsasabi ng staff kung hanggang kailan siya mananatili sa lock-in taping, ang maruming comfort room, hindi pagbibigay ng almusal sa kanya, ang pagsasama nila ni Kiray Celis sa isang kuwarto, at ang akusasyonng pagbabalewala sa mga concern niya.

Nang ilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong araw ang report tungkol sa pag-alis ni Mystica sa set, kaagad siyang naglabas ng vlog na may pamagat na “Mystica, nag-back out daw sa shooting ng Owe My Love dahil hindi nabigyan ng breakfast?”

Nilagyan din ni Mystica ng mahabang caption ang kanyang vlog:

“I have been in showbusiness for 20-years but this is the only time I have felt that I have been treated unfairly and unjustly!

Continue reading below ↓

“Pinalabas nila sa PEP na dahil lang sa kakapiranggot na pagkain na hindi naibigay sa akin for breakfast, yun na yung dahilan kung bakit ako nag-backout sa shooting ng Owe My Love? Very pathetic!

"Wait till I give all the details of my story! Abangan niyo ang buong kuwento with all my complete evidence!"

Ginamit ni Mystica sa kanyang vlog, na may 9K subscribers, ang lihim na recording niya sa pag-uusap nila ng isang miyembro ng production staff.

Sa secretly recorded conversation nila, inisa-isa ni Mystica ang kanyang mga concern.

Una, hindi raw sinabi sa kanyang tuluy-tuloy ang taping kaya hindi siya nakapaghanda at hindi nakapagpaalam sa pamilya niya.

Labis din daw ang pag-aalala ni Mystica sa mga alagang aso na naiwan sa bahay niya.

Hindi nakaligtaan ni Mystica na banggitin ang pagsasama nila ni Kiray sa isang kuwarto dahil napansin niyang hindi kumportable sa kanya ang young comedienne.

Kuwento ni Mystica, "Thursday, biglang kumatok yung mga tao dahil Kiray is coming. Ako ang magiging roommate.

Continue reading below ↓

"Sinikap ko po na hindi magsalita, pero any kaluskos ko, nakikita ko na talagang nababalisa siya nang ganoon, pati tubig… ni hindi na nga ako makatae. I had to go downstairs.

"Nakikipag-usap siya sa boyfriend knowing na ako’y ano na… natutulog na. Nakikipaglaro pa siya, dalawa sila, and of course, yung tawa niya…

"I thought my right decision was to really move out."

Dagdag pa niya, "From the start pa lang, everything is not going smoothly in terms of yung service nila sa akin. Nasaan ang proper treatment?"

DIVINE TETAY: "ARE YOU DRUNK?"

Inireklamo rin ni Mystica ang comedian na si Divine Tetay, na kasama sa cast ng Owe My Love.

Bukod-tanging si Divine Tetay ang sumagot sa mga rant ni Mystica sa kanilang group chat. Nagpakita ng malasakit ang stand-up comedian sa kanyang payo kay Mystica na magdasal, magpahinga, at uminom muna ng chamomile tea para kumalma ito.

Si Divine Tetay rin ang nagsabi kay Mystica ng “I hope you don’t [mind] my asking, 'Are you drunk?' na lalong ikinagalit ng singer-actress.

Continue reading below ↓

“And then, heto na si Divine? 'Are you drunk?' How inconsiderate daw ako," pagpapatuloy na sumbong ni Mystica sa kausap niya.

"Sabi ko, 'Do you think na yung tagal ko na nagtiyaga at hindi umangal, ngayon lang, you call that inconsiderate?'

"Sabi ko, 'Kahit ngayon, papuntahin ninyo, kahit sino, i-test ako. I don’t drink, I don’t smoke, I don’t take drugs.'

"Katulad din yung ginawa ni Raffy Tulfo, yung pang-insulto niya sa akin, you had to put me straight, pag-upo ko, tinanong niya, 'Pwede kitang ipa-drug test.'

"Yun po yung trauma ko just like what she has done to me, 'Are you drunk?'" pagtukoy ni Mystica sa gay stand-up comedian.

"Bakit ang isang artista, pag nagtanong o kaya gusto niya na maiklaro, and then you would ask her, 'Are you drunk?' That was the greatest insult sa akin po.

"Gusto ko po sana talagang mabigyan ng aral yung Divine na ‘yon. I don’t even know... Ano po ang posisyon niya? Kasi sobrang bastos. Ang dami-daming pang-iinsulto.

Continue reading below ↓

"Ang sabi ko, I’m palpitating. May sakit ako sa puso.

"Kung hindi ko po ie-express, magpa-palpitate ako and, of course, if I have to go the hospital, I will pay another 25,000.

"'Tapos iniinsulto niya ako, ‘Ay mag-tsaa ka lang. It will go away.’

"This is a serious matter. Sabi ko, I’m emotionally in pain.

"Sabi niya, ‘Mas marami pang emotionally in pain kesa sa 'yo so you have to be considerate.’

"Hindi ko po ma-take ‘yon," walang preno at emosyonal na pagsasalita ni Mystica.

Nakikiusap din si Mystica na bayaran na lang ng GMA-7 ang mga araw na nanatili siya sa lock-in taping ng Owe My Love para matapos na ang isyu.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa Owe My Love production at kina Kiray Celis at Divine Tetay kaugnay ng mga pahayag ni Mystica.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mystica on her experience during lock-in taping of Owe My Love: "From the start pa lang, everything is not going smoothly in terms of yung service nila sa akin. Nasaan ang proper treatment?"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results