Edgar Mortiz, kinumpirma na kausap si John Lloyd Cruz para sa isang "new show"

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2020
Director Edgar Mortiz, ipinakita ang screenshot ng video call nila ng premyadong aktor na si John Lloyd Cruz ngayong Martes, November 23.
PHOTO/S: @direkbobot Instagram / Bk Jimenez Facebook

Kinumpirma ng direktor na si Edgar "Bobot" Mortiz na nag-uusap sila ni John Lloyd Cruz tungkol sa offer na TV show na pagbibidahan ng aktor.

Sinabi ni Edgar ang update tungkol sa napipintong pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd sa veteran entertainment writer na si Baby K. Jimenez.

Canada-based si Jimenez, pero updated siya sa mga nangyayari sa Philippine entertainment industry.

Ngayong Martes ng hapon, November 24 (November 23 sa Canada), excited na ibinalita ni Jimenez ang "scoop" na kanyang natanggap mula kay Edgar.

Natiyempuhan daw ni Jimenez na kasalukuyang nakikipag-usap si Edgar kay John Lloyd nang i-text ni Jimenez si Edgar.

Sabi sa Facebook post ni Jimenez: "11:55 pm, Nov 23: SCOOP! I just thought about texting Direk Bobot (EDGAR MORTIZ) for a short chat on what's the latest about him....

"And as I did, he texted back: 'Baby K! I am here with Lloydie (John Lloyd) - we have a meeting!!!'

Continue reading below ↓

"Then he added, 'Lloydie says hi!'"

Tuwang-tuwang binanggit din ni Jimenez sa kanyang Facebook post na si Edgar ang magdidirek ng "new show" ni John Lloyd.

Pero on record, ipinahiwatig ni Bobot na pinaplantsa pa ang proyekto.

Sabi raw ni Edgar kay Jimenez, "NAKU, PINAG-UUSAPAN PA LANG."

VIDEO CALL OF JOHN LLOYD AND EDGAR

Patunay ng pag-uusap nina John Lloyd at Edgar ay ang screenshot ng video call ng dalawa.

Nakakuha si Jimenez ng kopya screenshot na iyon.

Ibinahagi rin ni Jimenez ang litrato nina John Lloyd at Edgar, na parehong nakasuot ng masks, na kuha noong July 29.

Sabi ni Jimenez ukol dito: "Am so excited! Here is the pic Bobot sent me -- a shot of Lloydie and you can see Bobot too - follow the arrow. The details later.

"The bottom pic is a recent shot of Bobot and Lloydie in masks when they were spotted together some weeks ago."

Continue reading below ↓

Nag-congratulate rin si Jimenez kay Edgar dahil ito ang napiling "over-all production head" ng Wowowin, ang blocktimer variety show sa GMA-7 na pinangungunahan ng TV host na si Willie Revillame.

PEP.PH'S EARLIER REPORT ON JOHN LLOYD'S TV COMEBACK

Sa Facebook post ni Jimenez, hindi tuwirang nakasaad kung saang TV network ipapalabas ang TV show na pinag-uusapan nina Edgar at John Lloyd.

Pero noong November 16, 2020, unang naglabas ang Cabinet Files sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng ulat tungkol sa offer na "sitcom" kay John Lloyd para sa Brightlight Productions.

Nakasaad din sa ulat na ang direktor na huhulma ng proyekto ay si Edgar Mortiz.

Ayon sa nakausap naming source, ang original plan ay simulan sa "December 2020" ang taping ng sitcom.

Pero ang huling balita na nakalap namin, malaki ang posibilidad na umpisahan sa "January 2021" ang taping ng comeback television project ni John Lloyd.

Ang Home Sweetie Home ng ABS-CBN ang huling television show ni John Lloyd bago ito nagpahinga sa pag-arte noong October 2017.

Continue reading below ↓

Si Edgar ang direktor ng Home Sweetie Home kaya matagal at malalim ang pinagsamahan nila ni John Lloyd.

Nagsimulang umere ang Home Sweetie Home noong January 2014.

Na-reformat iyon noong bilang Home Sweetie Home Extra Sweet simula May 4, 2019 hanggang sa pansamantalang natigil ang pag-ere ng programa noong March 2020 dahil sa pandemya.

Hindi na tuluyang nakabalik sa ere ang show sa ABS-CBN nang hindi ma-renew ang prankisa ng ABS-CBN noong July 2020.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Edgar Mortiz, ipinakita ang screenshot ng video call nila ng premyadong aktor na si John Lloyd Cruz ngayong Martes, November 23.
PHOTO/S: @direkbobot Instagram / Bk Jimenez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results