Imelda Schweighart, pinutakti ng batikos dahil sa pagtuligsa niya sa Pinoy K-pop fans

by Jojo Gabinete
Nov 24, 2020
Beauty-queen-turned singer Imelda Schweighart, nag-deactivate muna sa Facebook matapos umani ng batikos sa kanyang pahayag na "I hate K-pop." Pagkahilig niya sa Korean food, kinuwestiyon ng Pinoy K-pop fans.
PHOTO/S: Imelda Schweighart

Natikman ni former Miss Earth Philippines 2016 Imelda Schweighart ang bangis, lupit at himagsik ng Pinoy K-pop fans dahil sa kanyang pahayag na nawawala ang sariling identity ng mga Filipino dahil sa pagtangkilik sa K-pop.

Sabi ni Imelda sa kanyang Facebook post kahapon, November 23:

“I hate K-pop. Filipinos are losing their identity trying to be like Koreans. Konting pride please?

"Di hamak na mas magaling naman mag-English mga Pinoy kesa Korean.Kala ko ba Chinese nananakop? I think we’re getting it wrong. Lagi na lang tayong sinasakop."

Mula nang ilabas kahapon ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang report tungkol sa opinyon ni Imelda sa K-pop, pinutakti na siya ng mga batikos ng offended Pinoy fans ng K-pop.

Hanggang ngayon, trending pa rin si ang pangalan ni Imelda sa social media dahil sa isyu.

Hindi pinalampas ng mga Pinoy K-pop fans ang mga komento ng former beauty queen dahil hinanap nila ang social media accounts nito.

Continue reading below ↓

Desidido ang mga nagagalit na tagahanga ng K-pop na kuwestiyunin ang kredibilidad ni Imelda.

Nagawa pang hanapin ng netizens ang Instagram Story ng dating beauty queen tungkol sa hilig nito sa Korean food.

Caption noon ni Imelda sa kanyang post, "I love Korean food so much."


Hindi rin pinalampas ng avid K-pop supporters ang kanta ni Imelda na may pamagat na "Fuccboi" dahil nilait-lait nila ito.

Continue reading below ↓

Tila hindi na kinaya ni Imelda ang mga masasakit na salita at panghuhusga sa kanya ng netizens dahil sa ngayon ay deactivated na ang Facebook account nito.

Imelda Schweighart's TV hosting & miss earth stint

Imee Hart ang screen name noon ni Imelda.

Nagsimula ang kanyang showbiz career nang maging co-host siya ni Willie Revillame sa defunct game show na Willing-Willie ng TV5.

Noong June 2016, sumali sa Miss Philippines Earth si Imee, at ginamit niya ang tunay na pangalan na Imelda Schweighart.

Pinalad siyang makuha ang korona at naging kinatawan ng ating bansa sa 16th edition ng Miss Earth, na ginanap sa Mall of Asia Arena noong October 29, 2016.

Hindi bago kay Imelda na maging biktima ng bashing dahil naranasan niya ito noong panahong siya ay kandidata ng Miss Earth 2016.

Matinding batikos ang inabot ni Imelda nang ikumpara niya sa dictator na si Adolf Hitler si President Rodrigo Duterte na bagong halal noon.

Continue reading below ↓

Naulit ang mga panglalait kay Imelda nang maging viral ang video niya habang nakikipag-usap sa kanyang supporters at sinasabi niyang fake ang ilong, boobs, at baba ng Miss Earth 2016 winner na si Katherine Espin ng Ecuador.

Humingi noon si Imelda ng paumanhin sa mga nagalit at nainsulto sa mga pahayag niya tungkol kina Duterte at Espin.

SECRET PREGNANCY

Ilang araw matapos ang coronation night ng 16th Miss Earth, nagbitiw si Imelda bilang Miss Philippines Earth 2016 dahil sa not-so-brilliant excuse na dadalhin siya ng kanyang ina sa New Zealand para makaiwas sa mga kontrobersya.

Pero lumitaw ang katotohanan na buntis ang beauty queen.

Isinilang ni Imelda ang kanyang anak noong July 21, 2017 at siya mismo ang nag-anunsiyo ng balita tungkol sa pagsisilang niya.

Makalipas ang tatlong taon, sinusubukan ni Imelda na bumalik sa entertainment industry at i-reinvent ang sarili bilang mang-aawit.

Pero tila nanganganib itong mabulilyaso dahil sa kanyang komento tungkol sa Pinoy fans ng K-pop, lalo pa't wagas ang paghanga ng mga Pilipino sa Korean singers at actors.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty-queen-turned singer Imelda Schweighart, nag-deactivate muna sa Facebook matapos umani ng batikos sa kanyang pahayag na "I hate K-pop." Pagkahilig niya sa Korean food, kinuwestiyon ng Pinoy K-pop fans.
PHOTO/S: Imelda Schweighart
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results