Mystica, inakusahan si Kiray Celis ng paninira umano kay Buboy Villar

by Jojo Gabinete
Nov 25, 2020
Mystica (left) on Kiray Celis (right): "Ang feeling niya kasi, kapag nagsasalita siya nang ganoon, nakakatawa siya. Ang feeling niya, mapapasaya niya kung sino yung nakikinig. Ang sa akin, it’s not right."
PHOTO/S: File / Instagram

Detalyado ang opisyal na pahayag na inilabas ng pamunuan ng Owe My Love kagabi, November 24, kaugnay ng mga reklamo ni Mystica.

Malinaw na nasagot ang lahat ng mga akusasyon ng singer-actress na nakaramdam umano ng pagbabalewala ng production staff sa mga concern na ipinarating niya.

Kabilang sa maraming reklamo ni Mystica ay ang pagsasama nila ni Kiray Celis sa isang kuwarto.

Bukod sa hindi siya kumportable, magkaiba umano ang lifestyle at prinsipyo nila ng young comedienne sa isyu ng room sharing.

Sagot dito ng pamunuan ng Owe My Love: "With regard to her sharing the room with Kiray, this was communicated to her in advance as well.

"The door of their room was clearly labeled with the name of the assigned occupants—Kiray and Mystica. Kiray entered the lock-in taping on November 19, three days after Mystica.

"But that same night at 11 p.m., Mystica complained and demanded that she be given her own room. Due to the lateness of the hour, production could not accommodate this immediately.

Continue reading below ↓

"But the following morning (November 20), she was transferred to her own room."

Nagbitaw rin si Mystica ng mga salita laban kay Kiray.

Pinaratangan ni Mystica si Kiray na maingay kasama sa kuwarto at malakas ang boses habang kausap sa cellphone ang boyfriend nito, kahit natutulog ang singer-actress.

MYSTICA'S NEW REVELATION

Kahit naglabas na ng official statement ang Owe My Love, patuloy si Mystica sa pagsasalita tungkol kay Kiray sa kanyang vlog.

Isa sa mga matinding rebelasyon ni Mystica ay ang mga sinabi diumano ni Kiray laban sa kanilang Owe My Love co-star na si Buboy Villar.

Saad ni Mystica, "Hindi pwedeng hindi ko ipagpapalit ng kahit ano ang aking privacy and, most importantly, sa isang tao na hindi ko kilala.

"Kilala si Kiray, natural, but as a person, personally, hindi ko nakakasama ‘yan.

"Ito na nga lang mismo, nung pinuntahan siya ng crew o mismong staff para kunin kung ano yung isusuot niya.

Continue reading below ↓

"'Tapos, all of a sudden, bigla siyang nakapagbitaw na ‘Ay, alam mo itong si Buboy, ang panget-panget. Kahit artista ‘yan, naku, talagang hindi pa rin siya magmumukhang artista dahil mukhang ano pa rin siya, taong grasa pa rin siya. Ang itim-itim at talagang ang dugyot-dugyot niyang tingnan!’

"Sabi ko, 'Kiray, bakit ka nagsasalita? Sige, isusumbong kita.'

"Ang feeling niya kasi, kapag nagsasalita siya nang ganoon, nakakatawa siya.

"Ang feeling niya, mapapasaya niya kung sino yung nakikinig. Ang sa akin, it’s not right.

"Sinabihan ko siya, 'Huy, huwag mo naman sabihin ang ganyan. Paano pala kung narinig ‘yan o nalaman na ganyan pala ang sinasabi mo, ikinukuwento mo?'

"Ang sabi niya, ‘Ay, hindi. Magkaibigan kami ni Buboy. Alam na niya ‘yon.'

"'Well, granted kaibigan mo ‘yan at alam na niya na ganoon nga ang sinasabi-sabi, pero masasaktan pa rin yung tao, lalong-lalo na kung totoo na siya ay maitim lang, mukhang grasa lang, mukhang pangit lang, hindi siya mukhang artista, mga ganoon.'

Continue reading below ↓

"It’s still something na nakakasakit, di ba? Hindi puwede yung ganoon," litanya ni Mystica tungkol sa inasal umano ni Kiray.

Sinubukan ng Cabinet Files na kunin ang panig ni Kiray. Gustung-gusto niyang sagutin ang mga sinabi ni Mystica laban sa kanya, pero pinakiusapan daw siya ng production staff na manahimik na lang.

Ang mga kontrobersiya at isyung pinagdaanan noon ni Mystica ang isang dahilan kaya may mga pagdududa ang publiko sa kanyang mga pahayag, kahit katotohanan na ang mga sinasabi niya.

Nonetheless, magsisilbi pa ring aral kay Kiray ang insidente dahil hindi talaga mabuting mamintas ng kapwa.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mystica (left) on Kiray Celis (right): "Ang feeling niya kasi, kapag nagsasalita siya nang ganoon, nakakatawa siya. Ang feeling niya, mapapasaya niya kung sino yung nakikinig. Ang sa akin, it’s not right."
PHOTO/S: File / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results