Sheree at Cristine Reyes, nakaramdam ng kakaiba sa taping ng Kagat ng Dilim

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2020
sheree cristine reyes
Ikinuwento nina Sheree (kaliwa) at Cristine Reyes ang kakaiba nilang naramdaman sa taping ng "Hukay" episode ng Kagat ng Dilim sa liblib na lugar sa Rizal.

May naramdamang kakaiba sina Cristine Reyes, Gene Padilla, at Sheree nang mag-taping sila sa isang bayan ng Rizal para sa "Hukay," ang pilot episode ng Kagat ng Dilim ng TV5.

Sa cast members, si Cristine ang unang nagkuwento tungkol eerie feeling niya nang dumating siya sa set.

Lahad niya, “Pagdating ko sa location ng 'Hukay,' napansin ko na talagang magubat at liblib, madilim. Sabi ko, perfect location 'to.

"Ang eerie ng feeling ng set. Parang hindi mo kayang pumunta ng comfort room na mag-isa. Hindi ko kaya. Feeling ko, may nakatingin. Ganoon yung feeling."

Pinatotohanan ito ni Gene.

"Naniniwala akong may mga elemento, espiritu sa ganitong lugar, ayaw nilang nabubulabog," pahayag ng komedyante.

Kinumpirma rin ni Gene ang nakakatakot na pangyayaring naranasan ni Sheree sa pangalawang araw ng kanilang taping.

SHEREE'S SCARY EXPERIENCE

"Empath" ang description ni Sheree sa sarili dahil sa kanyang abilidad at malakas na pakiramdam na malaman ang mga iniisip at nararamdaman ng mga tao sa paligid niya.

Continue reading below ↓

Binanggit ni Sheree na marami na siyang kilalang mga medium at psychic na tumutulong sa kanya dahil sa mga karanasan niya sa mga multo mula noong lumalaki siya sa Bukidnon.

Ikinuwento ni Sheree na nakita niya ang isang kamay na kumakaway sa kanya sa likuran ng cameraman habang nasa set siya ng 'Hukay.'

"Iniinterbyu ako tungkol sa show nang makita ko sa peripheral vision ko ang entities na tumatakbo-takbo. May nakita rin ako na mga shadow at matatanda na naglalakad, parang parami sila nang parami.

"'Tapos sa likod ko, mainit yung pakiramdam ko. Maya-maya, biglang nag-off yung ilaw, so nag-ask yung camera guy na aayusin niya muna.

"Pagbalik niya, medyo na-feel ko na may humawak sa wrist ko kaya itinaas ko ang kamay ko para makawala ako.

"'Tapos bigla na lang na-feel ko na may sumampa sa likod ko na mabigat. Sumasakit yung back ko, kaya sinabi kong ihinto muna namin yung interview sa akin.

Continue reading below ↓

"Lumabas muna ako dahil hindi ako makahinga. Tinawagan ko ang friend ko, si Mind Master Nomer Lasala na marunong sa exorcism," lahad ni Sheree tungkol sa karanasan niyang nagbigay sa kanya ng malaking takot.

Si Nomer ang nagpayo kay Sheree na isuot nito ang Saint Benedict medallion na madalas dala ng aktres.

Nang mahawakan niya ang Saint Benedict medallion, saka lamang daw gumaan ang pakiramdam ni Sheree.

Pero nang bumalik siya sa set, ang cameraman, ang talent coordinator ng Kagat ng Dilim, at ang babaeng nag-iinterbyu sa kanya ang nakaramdam ng pamimigat ng katawan.

"Pinakagrabe ang talent coordinator ng show. Ang feeling ko, mababa ang kanyang energy level dahil ilang araw na silang walang pahinga. Siya ang nagkaroon ng mga kalmot at pasa sa legs.

"Mabuti na lang, dumating ang medic na si Edward delos Santos na may training ng healing sa ibang bansa.

"Siya ang nag-save sa aming lahat. Nag-cleanse kami sa isang lugar habang pinapatugtog namin sa area ang prayer ni Saint Benedict para mawala ang evil entities.

Continue reading below ↓

"The next day, flat na ang gulong ng sasakyan ko, as in walang kahangin-hangin,” nababahala pa ring kuwento ni Sheree.

Nakunan ng video ang mga nangyari sa set ng "Hukay" kaya may ebidensiya ang nakakatakot na karanasan ng mga artista at production staff ng Kagat ng Dilim.

"Halo" ang sagot ni Sheree nang itanong namin ang advantage at disadvantage ng pagiging empath niya dahil may mga pagkakataong nakakatulong ito sa kanya.

"Pagdating sa family ko at sa mga namayapa sa family namin, nagagamit ko siya para maghatid ng message sa mga naiwan sa family namin, like my cousin na only daughter ng tita ko.

"Kapag may warning or may message, nagpaparamdam siya sa panaginip ko kung may masamang mangyayari sa family namin.

"Nakakatanggap ako ng warning, pero ang mahirap, yung hindi ko kilala ang mga nagpaparamdam sa akin."

Mapapanood ang "Hukay" episode ng Kagat ng Dilim sa darating na Biyernes, November 27, 9:30 p.m.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinuwento nina Sheree (kaliwa) at Cristine Reyes ang kakaiba nilang naramdaman sa taping ng "Hukay" episode ng Kagat ng Dilim sa liblib na lugar sa Rizal.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results