Myrtle Sarrosa, mahigit 100 ang inihandang costumes sa Still Love Me virtual concert

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2020
Actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa, higit isang daang costumes ang inihanda para sa kanyang first virtual concert na Still Love Me.
PHOTO/S: @myrtlegail Instagram

All systems go para sa Still Love Me, ang virtual concert ni Myrtle Sarrosa na magaganap sa darating na Sabado, November 28, 8 p.m.

Ibinalita ni Myrtle na kakaiba ang kanyang virtual concert dahil mga sariling kanta na isinulat niya noong 2016 ang mapapanood at mapapakinggan ng mga bibili ng tickets sa www.ticket2me.net.

Sabi ni Myrtle: "Ito yata ang first concert na lahat ng songs, seventy percent, e, ako ang nag-compose way back 2016.

"Instead na mag-perform ako ng cover songs, naniwala ang Borracho na I should perfom the songs I wrote in the past, na first time na maririnig ng audience nang live.

"At ikukuwento ko ang stories behind those songs and every lyrics."

Sumalang si Myrtle sa virtual presscon para sa Still Love Me nitong Huwebes ng tanghali, November 26.

Si Myrtle, 25, ay kilalang cosplayer at dating housemate ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 noong 2012.

Continue reading below ↓

Napanood siya sa mga teleserye ng ABS-CBN tulad ng La Luna Sangre at The Good Son.

Pero noong February 2020 ay lumipat siya sa GMA Network.

ADVANCED TAPING OF STILL LOVE ME CONCERT

Ayon pa kay Myrtle, malaking hamon ang kanyang first major concert dahil walang live audience na nanood nang mag-advanced taping siya.

Ginanap ito noong Sabado, November 21, sa Teatrino, Greenhills, San Juan City.

Alas-kuwatro ng madaling-araw nang mag-umpisa ang set-up para sa concert ni Mrytle, at inabot ng alas-nuwebe nang gabi ang taping dahil nagkaroon pa ng rehearsal para matiyak na pulido ang show na ginamitan ng laser lights at LED wall.

Alas-diyes ng umaga nang dumating si Mrytle sa Teatrino dahil siya ang personal na nag-asikaso sa mga costume na gagamitin.

Mahigit sa isang daan (100) ang bilang ng mga costume na dinala ni Myrtle para sa kanyang concert, pero walo lamang ang nagamit niya.

Tuwang-tuwa si Myrtle sa resulta ng taping ng Still Love Me dahil napagtagumpayan niya ito sa tulong ng lahat ng mga kasali sa production.

Continue reading below ↓

"Noong nabuo na siya, sobrang nakaka-proud. Hindi namin akalain na kapag pinagsama-sama pala ang efforts namin, sobrang magiging maganda ang resulta.

"We are very excited and proud of the work na ginawa namin kaya we’re looking forward to Saturday," pahayag ni Myrtle.

ALL-OUT SUPPORT FROM CONCERT PRODUCER

Si Atty. Ferdinand Topacio, na may-ari ng film company na Borracho Films, ang producer ng concert ni Myrtle.

Kaya lubos ang pasasalamat ng singer-actress sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

"Grateful ako kay Atty. Ferdie Topacio at sa lahat ng Borracho Productions staff who made it happen.

"Hindi siya resulta ng efforts ng isang tao, but lahat ng mga involved sa show na three weeks naming pinaghandaan.

"Halos magkasakit na ako sa pagod habang nagre-rehearse, pero nakakatuwa yung naging output namin kaya I’m very much excited, proud, and happy," ani Myrtle na hands-on sa concert niya.

Hindi lamang producer si Topacio ng Still Love Me dahil may special number siya sa concert ni Myrtle.

Continue reading below ↓

Kakantahin niya ang "Aking Mahal," ang official theme song ng Mamasapano, ang initial movie offering ng Borracho Films.

Bida sa pelikula sina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, at Myrtle.

Si Topacio at ang veteran entertainment writer na si Cristy Fermin ang magkatulong na nagsulat ng lyrics ng "Aking Mahal."

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress at cosplayer na si Myrtle Sarrosa, higit isang daang costumes ang inihanda para sa kanyang first virtual concert na Still Love Me.
PHOTO/S: @myrtlegail Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results