P35M Rolls-Royce ni Willie Revillame, ibinibenta sa halagang P20M pantulong sa typhoon victims

by Jojo Gabinete
Nov 26, 2020
willie revillame rolls-royce
Ang TV host na si Willie Revillame ang kauna-unahang customer na bumili ng Rolls-Royce nang magbukas ang branch ng luxury car dito sa Pilipinas noong 2013.
PHOTO/S: Courtesy of topgear.com.ph

Labindalawang milyong piso ang presyo ng Range Rover luxury car na binili ni Willie Revillame noong 2018.

Pero ibinenta lamang niya ito sa halagang pitong milyong piso para itulong sa mga residente ng Marikina City at Rodriguez, Rizal na sinalanta ni Typhoon Ulysses noong November 12, 2020.

Sa kagustuhan ni Willie na maging patas ang kanyang donasyon, dinagdagan niya ng tatlong milyong piso ang pitong milyong piso. Kaya tigli-limang milyong piso ang financial aid na natanggap mula sa kanya nina Marikina City Mayor Marcy Teodoro at Rodriguez Mayor Tom Hernandez.

May original price namang P35 million ang Rolls-Royce, ang luxury car ni Willie na ipinagbibili niya sa halagang P20 million.

Ang perang kikitain niya mula sa pagbebenta ng Rolls-Royce car ang ibibigay ni Willie na donasyon sa mga kababayan natin sa Cagayan at Ilagan, Isabela na napinsala rin nang husto ni Typhoon Ulysses.

Ang Cagayan at Isabela ang mga probinsiya na susunod na pupuntahan ni Willie dahil sa kagustuhan nitong personal ipamahagi ang kanyang mga tulong sa mga biktima ng malakas na bagyo na kumitil ng maraming buhay at nagwasak ng mga ari-ariang milyun-milyon ang halaga.

Continue reading below ↓

Bago nanalasa si Typhoon Ulysses sa Bicol Region at Central Luzon, nanalanta muna sa Bicol Region si Super Typhoon Rolly noong November 1.

Isang matandang residente ng Gigmoto, Catanduanes ang humiling na dalawin siya ni Willie. Pinagbigyan naman ng TV host ang kanyang kahilingan.

Limang milyong piso ang ibinigay na donasyon ni Willie sa mga residente ng Gigmoto, kasama ang mga gamot, kumot, jacket, at mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.

Ang ibenta ang mga luxury car na hindi na masyadong nagagamit—dahil helicopter na ang kanyang sinasakyan at pinalilipad—ang paraang naisip ni Willie para madagdagan ang tulong niya sa mga nangangailangan.

Noong June 2013, naglabas ang PEP.ph ng report tungkol sa pagbili ni Willie ng luxury car nang magbukas sa Pilipinas ang kauna-unahang branch ng Rolls-Royce.

Naging bahagi si Willie ng kasaysayan ng pagbubukas ng Rolls-Royce branch sa bansa dahil siya ang unang kostumer na bumili ng mamahaling sasakyan na ipinagbibili na niya ngayon para makatulong sa mga biktima ng kalamidad.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang TV host na si Willie Revillame ang kauna-unahang customer na bumili ng Rolls-Royce nang magbukas ang branch ng luxury car dito sa Pilipinas noong 2013.
PHOTO/S: Courtesy of topgear.com.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results