Larawan ng isa pang anak ni Cesar Montano, lumabas na rin sa Instagram

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2020
cesar montano daughter
Bago pa man mag-post si Sandra Seifert ng larawan ng kanyang anak kasama si Cesar Montano, nauna nang nag-post ang current partner ng aktor na si Kath Angeles ng larawan ng kanilang anak kasama si Cesar (kanang larawan).

A picture paints a thousand words sequel.

Si Cesar Montano ang ama ng anak ni Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert.

Pinagtibay ito ng litrato ng aktor, kasama ang five-year-old na si Corinth Ian (Coco) na makikita sa Instagram account ng former beauty queen.

cesar montano son

Pero bago pa man inilabas ni Sandra ang larawan ng mag-amang Cesar at Coco, nauna nang mag-post si Kath Angeles sa social media ng litrato ng aktor, kasama ang isang batang babae.

Continue reading below ↓

May caption itong “My princess! Love you!" at hashtag na "latepost birthday" ang larawan ni Cesar at ng batang babae na nakalagay sa social media account ni Kath.

cesar montano daughter

Si Kath ang mystery naked woman sa "Happy Birthday Kagawad Chris" viral video ni Cesar na kumalat noong November 2018.

Continue reading below ↓

Siya rin ang current partner ng award-winning actor.

Natuklasan na si Kath ang misteryosang babae sa viral video dahil sa re-enactment video na ginawa nila ni Cesar para sa kaarawan ng kaibigan nitong si Dolly Anne Carvajal noong September 2020.

Isang araw matapos ilabas ni Sandra ang litrato ng kanyang anak at ni Cesar, nag-post ang aktor sa Instagram account nito ng video ng dalawang bata (lalake at babae) na kinakantahan ng "Happy Birthday."

Cute ang mga bata, pero hindi nakakatuwa ang ilang mga comment mula sa netizens na hinuhusgahan ang pagkatao ni Cesar.

Mabuti na lang, may presence of mind si Cesar na burahin agad ang unfavorable comments na unfair sa kanya, lalo na sa mga inosenteng bata.

Madalas na ginagamit ang Bible verse na "The truth shall set you free (John 8:32). Posibleng ito ang dahilan kaya ipinakikilala na ni Cesar at ng ina ng mga bata ang kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Ipinagkaloob ng korte noong September 2018 ang annulment ng kasal ni Cesar kay Sunshine Cruz kaya malaya na siyang makipagrelasyon sa iba at ipakita sa publiko ang kanyang mga cute at smart na anak.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa man mag-post si Sandra Seifert ng larawan ng kanyang anak kasama si Cesar Montano, nauna nang nag-post ang current partner ng aktor na si Kath Angeles ng larawan ng kanilang anak kasama si Cesar (kanang larawan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results