Direk Lawrence Fajardo, hindi fan ng horror pero direktor ng horror series

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2020
lawrence fajardo kagat ng dilim
Direk Lawrence Fajardo: "Coming from Visayas, maraming mga kuwento tungkol sa aswang. So, growing up, parati akong kinukuwentuhan ng mga lola, lolo tungkol sa mga aswang. Sa totoo lang, hindi talaga ako fan ng horror pero gumagawa ako ng mga horror para manakot."
PHOTO/S: Viva Entertainment Instagram

Si Lawrence Fajardo ang direktor ng Philippine adaptation ng South Korean action-thriller movie na Hard Day.

Pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, official entry ito sa 1st Metro Manila Summer Film Festival na idaraos sana mula April 11 hanggang April 21, 2020. Pero hindi natuloy dahil sa coronavirus pandemic.

Matatagalan pa bago ipalabas ang Hard Day dahil imbes na ito ang ilahok ng Viva Films sa 46th Metro Manila Film Festival sa December 25, 2020, ang comedy movie na Pakboys: Takusa ang piniling isali. Bida rito sina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles, at Andrew E.

Nasulit naman ang matagal na pamamahinga ni Lawrence nang ideklara ang enforced quarantine sa Luzon noong March 15 dahil nagkasunud-sunod ang kanyang mga project nang matapos ang lockdown.

Si Lawrence ang direktor ng Mamasapano ng Borracho Films.

Siya rin ang namahala sa tatlong episodes ng Kagat ng Dilim: "Hukay," "Toktok," at "14th Floor."

Si Cristine Reyes ang lead star ng "Hukay," ang episode title ng pilot telecast ng Kagat ng Dilim na mapapanood sa TV5 ngayong gabi, November 27.

Continue reading below ↓


Sina Julian Trono at McCoy de Leon ang mga bida sa "Toktok," at si Kim Molina ang headliner sa "14th Floor."

HORROR STORIES

Nang tanungin si Lawrence kung nagkaroon ito ng mga nakakatakot na karanasan sa taping ng Kagat ng Dilim, ang mga naranasan ng kanyang mga nakatrabaho ang ikinuwento niya.

Continue reading below ↓

"Nasa gitna kami ng taping ng 'Toktok,' kasagsagan ng bagyong Ulysses. Ang hirap i-mount dahil nasa gitna kami ng bagyo.

"Nasa location kami, sa loob kami ng isang resort na supposedly forest.

"I heard, sinabi lang sa akin ng isang staff na may sinapian, isang personal assistant namin. Yun lang ang kuwento sa akin. Nagkaroon siya ng pasa.

"Makaka-attest din yung ibang cast na medyo may something sa location.

"Even yung pinsan ko na nagda-drive for me, natulog siya sa isang kuwarto, nagkaroon siya ng masamang panaginip. So, ang option niya, matulog na lang siya sa sasakyan.

"Pero personally, hindi ko na-experience. Siguro because I have to prepare for the scenes, hinahabol nga namin yung schedule," sabi ni Lawrence.

Hindi apektado ang direktor ng mga scary story dahil noong bata pa siya, mga katatakutan din ang kanyang madalas naririnig na kuwento mula sa mga lolo at lola niya.

"Coming from Visayas, maraming mga kuwento tungkol sa aswang. So, growing up, parati akong kinukuwentuhan ng mga lola, lolo tungkol sa mga aswang.

Continue reading below ↓

"Sa totoo lang, hindi talaga ako fan ng horror pero gumagawa ako ng mga horror para manakot," nagpakatotoong pag-amin ni Lawrence.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Lawrence Fajardo: "Coming from Visayas, maraming mga kuwento tungkol sa aswang. So, growing up, parati akong kinukuwentuhan ng mga lola, lolo tungkol sa mga aswang. Sa totoo lang, hindi talaga ako fan ng horror pero gumagawa ako ng mga horror para manakot."
PHOTO/S: Viva Entertainment Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results