Ella Cruz, shocked na gusto siyang maka-collaborate ni Minzy

by Jojo Gabinete
Nov 27, 2020
Ella Cruz (left) on being mentioned by Minzy (right) as one of the Filipino artists she wants to do a collaboration: "Oh my God, minention ako ni Minzy. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako na-in love sa K-Pop. 2NE1 ang nagbungad sa akin, nag-welcome sa akin sa K-Pop world."
PHOTO/S: Instagram

Ang South Korean all-girl group na 2NE1 ang nagmulat sa isip ni Ella Cruz sa K-pop music.

Kaya hindi makapaniwala si Ella sa sinabi ni Minzy na gusto nitong magkaroon sila ng collaboration.

Former member ng 2NE1 si Minzy, at ang Viva Artists Agency ang namamahala ng career niya sa Pilipinas.

Contract star din si Ella ng talent management agency ng Viva Entertainment at avid fan siya ng 2NE1 kaya big deal sa kanya ang pahayag ni Minzy.

“Oh my God, the pressure is on! I’m really looking forward kung anong klaseng collaboration yung sinabi ni Minzy about me.

"I’m really shocked na na-mention niya ako kasi, parang why me, but I’m really thankful," excited na reaksiyon ni Ella.

Hindi ipinagkakaila ni Ella ang pagiging big fan ng 2NE1 kaya ngayon pa lang, nag-iisip na siya ng OPM K-pop song na puwede nilang gawin ni Minzy at magugustuhan ng Pinoy K-pop supporters.

Continue reading below ↓

Ngayong nasa bakuran na rin si Minzy ng VAA, alam ni Ella na malaki talaga ang tsansang matupad ang collaboration na binanggit ng South Korean celebrity.

"Oh my God, minention ako ni Minzy. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako na-in love sa K-Pop.

"2NE1 ang nagbungad sa akin, nag-welcome sa akin sa K-Pop world."

Ang iba pang miyembro ng 2NE1 ay sina CL, Park Bom, at Sandara Park.

Sabi pa ni Ella, "Being mentioned by a K-pop artist, especially Minzy of 2NE1, is like… parang hindi totoo.

"Paano nangyari? Why me? Posible ba talaga?

"Dati pangarap ko lang na maka-collaborate ng isang K-pop artist or maging isang K-pop artist. But then, mismong K-pop artist na ang nag-mention sa pangalan ko,

"So, parang, hopefully talaga, I’m really praying na matuloy po yung collaboration na ‘yan," umaasang sambit ni Ella.

Muling nag-renew ng exclusive contract si Ella sa home studio niya.

Continue reading below ↓

Sa naganap na virtual conference ngayong hapon, November 27, paulit-ulit na binigkas ni Ella ang pasasalamat dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Viva.

"Salamat sa trust po nila na kaya kong gawin yung mga bagay na hindi ko nagagawa before especially doing music.

"Dati naman po, hindi ako komportableng kumanta, but they gave me the chance to excel.

"Yung pagtiwala nila sa akin in doing films such as Edward, I’m really thankful dahil talagang pinagkakatiwalaan ako ng Viva na kaya kong gawin ‘yon.

"Mahirap magtiwala na kayang gawin, pero dahil sa kanila, dahil ibinigay nila sa akin, alam ko na makakaya ko."

Trivia: Ang Edward ay official entry sa Cinemalaya Independent Film Festival noong 2015. Ang karakter na ginampanan ni Ella ang nagbigay sa kanya ng best supporting actress award.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz (left) on being mentioned by Minzy (right) as one of the Filipino artists she wants to do a collaboration: "Oh my God, minention ako ni Minzy. Isa siya sa mga naging dahilan kung bakit ako na-in love sa K-Pop. 2NE1 ang nagbungad sa akin, nag-welcome sa akin sa K-Pop world."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results