Bea Rose Santiago very optimistic sa kabila ng 5X-a-week dialysis

by Jojo Gabinete
Nov 28, 2020
Habang inaantay ni Bea Rose Santiago ang kanyang kidney transplant procedure, sumasailalim ang beauty queen sa five-times-a-week dialysis.
PHOTO/S: @bea.santiago on Instagram

Kahanga-hanga ang katatagan ng loob na ipinapakita ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago dahil nananatiling positibo ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng kanyang mga health struggles.

May chronic kidney disease si Bea Rose, pero hindi pa naitatakda ang kanyang kidney transplant procedure.

Simula noong natuklasan ang kanyang karamdaman noong 2018 sy sumasailalim ito sa weekly dialysis treatments.

Sa Canada ito nagpapagamot.

At sa tuwing pumupunta ito sa Toronto General Hospital, ibinabahagi ni Bea Rose sa social-media followers nito ang mga karanasan niya.

Hindi madali ang pinagdaraanan ng beauty queen dahil kung tatlong beses sa isang linggo ang dialysis treatment sa ibang mga pasyente, limang beses sa isang linggo ang dialysis treatment sa kanya.

Ayon sa healthline.com, ang dialysis ay isang proseso ito kung saan tinatanggal ang "waste and extra fluid" sa dugo at pini-filter sa artificial kidney o hemodialyzer. Ang filtered blood ay binabalik sa katawan sa pamamagitan ng dialysis machine.

Continue reading below ↓

Mahihinto lamang ang dialysis treatment kay Bea Rose kapag sumailalim na siya sa kidney transplant procedure na hindi natuloy ngayong 2020 dahil sa coronavirus pandemic.

Ang pananakit ng kanyang mga kalamnan ang daing ni Bea Rose sa recent social-media post niya dahil sa pagkakaroon niya ng low phosphate at low haemoglobin.

"I’ve been having a hard time with my protein intake and now I have low phosphate, low hemoglobin and having muscle aches,” ang pahayag ni Bea Rose tungkol kanyang kundisyon.

RELATED STORIES

Inilarawan rin niya ang kanyang strict diet.

"My doctors and nutritionist recommended many vegan options but after 2 months I am now a pescatarian on the weekends and vegetarian on weekdays. I don’t consume cow’s milk and eggs, but I do love oats milk and goat’s cheese.

"I need weekly Aranesp (isang brand ng gamot na itinuturok sa mga pasyente na may anemia o mababang bilang ng red blood cells) and Iron shots to help me since I dialyze 5x a week and each time is 8- hours while I sleep. Works like magic.

Continue reading below ↓

"I love being plant based and right now Im gonna slowly transition again. Only problem is I’m a lazy cook and a dialysis patient.

"Still recommending to all to live by a plant-based diet just make sure you eat proper nutrition,” ang kuwento pa ni Bea Rose.

Isa rin sa ipinagpapasalamat ni Bea Rose ay ang maayos na healthcare system ng Canada.

Continue reading below ↓

"The problem in most countries na walang health care, they don’t have doctors or hospital that offers home hemo because there’s a lot of machine technical needs and money. It’s a newer way to dialyze kasi.

"Canada invested in research and lots of investment sa dialysis care,” ang paliwanag ni Bea Rose sa isang social media follower niya na nagkomento tungkol sa mahal na presyo ng mga dialysis machine at treatments sa Pilipinas.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang inaantay ni Bea Rose Santiago ang kanyang kidney transplant procedure, sumasailalim ang beauty queen sa five-times-a-week dialysis.
PHOTO/S: @bea.santiago on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results