OPM legend Lolita Carbon nag-goodbye sa Masked Singer Pilipinas

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2020
Nagpaalam ang OPM legend at Asin vocalist na si Lolita Carbon sa Masked Singer Pilipinas kagabi, November 28, 2020. Siya si Sea-Reyna.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas, Facebook

Tanging ang judge detective na si Cristine Reyes ang nakahula na si Lolita Carbon ng Asin ang nasa likod ng maskara ni Sea-Reyna sa Masked Singer Pilipinas ng TV5.

Hindi nahulaan ng ibang judge detectives na sina Aga Muhlach, Matteo Guidicelli at Kim Molina ang katauhan ng folk at rock icon na nagpaalam kagabi, sa November 28, 2020, sa programa dahil siya ang tumanggap ng pinakamababang boto.

Nagulat ang televiewers nang hubarin ni Lolita ang Sea-Reyna mask nito dahil hindi nila inakalang makukumbinsi ang 68-year-old OPM legend na maging contestant ng Masked Singer Pilipinas, kung saan magsusuot siya ng maskara at ng mainit na costume ng sirena.

Ibang Lolita ang napanood sa November 7 episode ng Masked Singer Pilipinas dahil ang kanta na pinasikat ni Alannis Morisette, ang "Hand In My Pocket," ang kanyang inawit.

Mabilis-bilis ang beat nito kumpara sa mga naging hits niya na "Masdan Mo Ang Kapaligiran," "Usok," at "Himig ng Pag-ibig."

Continue reading below ↓

Ang tubig alat na binanggit ni Sea-Reyna, ang usok sa kanyang VTR, at ang pagsasalita niya ng Spanish ang ilan sa mga clue na ibinigay ni Lolita.

Asin ang pangalan ng sikat na grupo ni Lolita. "Usok" ang pamagat ng isa sa mga kanta nila. "Little girl" ang ibig sabihin ng kanyang pangalan sa Spanish. Ito ang mga sagot sa clues na sinabi ni Lolita na hindi nahulaan ng judge detectives at ng Masked Universe, maliban kay Cristine na pinanindigang ang lead singer ng Asin ang nagtatago sa maskara ni Sea-Reyna.

"Salamat naipakita ko yung ibang itinatago kong talent,” ang pahayag ng legendary singer matapos hubarin ang kanyang maskara.

Bakas sa mukha niya ang matinding kasiyahan dahil nag-enjoy siya sa musical mystery competition na sinalihan.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpaalam ang OPM legend at Asin vocalist na si Lolita Carbon sa Masked Singer Pilipinas kagabi, November 28, 2020. Siya si Sea-Reyna.
PHOTO/S: Screen Grab from Masked Singer Pilipinas, Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results