Marco, Michele Gumabao recount the day dad Dennis Roldan was arrested by 20 to 30 policemen

by Jojo Gabinete
Nov 29, 2020
Unforgettable para kina Marco at Michele Gumabao ang February 20, 2005, ang araw na inaresto ng "20 to 30 policemen" ang kanilang ama na si Dennis Roldan sa kanilang tahanan sa Quezon City.
PHOTO/S: @michelegumabao on Instagram

Ten years old si Marco Gumabao nang dakpin ng mga pulis ang kanyang ama na si Dennis Roldan noong February 20, 2005 dahil sa kaso ng kidnapping.

Ang mga nangyari noong araw na iyon sa kanilang tahanan sa Filinvest, Quezon City ang third vlog entry ni Marco sa YouTube Channel.

Sa kauna-unahan at bihirang pagkakataon, nagkuwento si Marco, ang mga kapatid na sina Michelle at Gita, at ang kanilang ina na si Loli Imperial tungkol sa traumatic experience noong sumugod ang mga alagad ng batas sa bahay nila.

Continue reading below ↓

Malinaw na malinaw sa memorya ni Marco na nakitulog siya noon sa kuwarto ng kanyang mga magulang kaya nasaksihan niya ang lahat ng mga naganap.

"Hindi naman ako palaging natutulog sa kuwarto nila, pero that very night, hindi ko alam kung bakit.

"The next day, Sunday morning, 5 a.m., biglang ginigising ako ng mommy ko. Parang sinasabi niya, ‘Marco, go to the bathroom, go to the bathroom.’

"So ako naman, parang naalimpungatan ako, pumunta agad ako sa banyo."

Pero hindi rin nakapagtago si Marco dahil sinira ang pintuan ng banyo. Nang dalhin siya sa labas, nakita niya mismo kung paano inaresto ang kanyang ama.

Sa pagpapatuloy ng 26-year-old actor, "Kinuha ako ng isang pulis, ibinaba niya ako sa sala namin.

"On the way out, nadaanan ko yung daddy ko, and yung daddy ko was nakadapa na siya sa kama niya, 'tapos pinoposasan na.

"Siyempre, hindi ko alam kung ano yung nangyayari. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa tatay ko.

Continue reading below ↓

"Siguro mga 20 to 30 policemen, nasa loob ng bahay."

Nung mga sandaling iyon, gulat ang una niyang naramdaman dahil hindi niya kasi alam ang mga nangyayari. Pagkatapos ay mas nangibabaw ang galit.

"Galit na galit ako 'tapos hindi ko nakita yung mga kapatid ko kasi nasa kuwarto lang sila. Ako lang talaga yung nasa sala, ang mommy ko, na-stuck siya sa banyo. Hindi siya pinabababa.

"Parang nangyari ang lahat like in three minutes. Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi mo alam kung anong magiging reaction mo,” ang lahad ni Marco na hindi pa alam noon ang tunay na dahilan sa pag-aresto sa kanyang ama.

MICHELE GUMABAO THOUGHT HER DAD WAS KIDNAPPED

Sa news program sa telebisyon na lang daw nila nalaman ang kaso na kinasangkutan ng dating aktor/basketbolita/pulitiko.

At nag-iwan sa ng trauma kay Michele ang mga pangyayari kahit pa nakatalukbong sila ni Gita ng kumot.

"Akala ko kinidnap siya. Nakakatakot talaga, Siyempre, nakakatakot kasi bata pa kami lahat,” ang kuwento ni Michelle.

Continue reading below ↓

"Five or six men in full battle gear na talagang akala mo pupunta ng giyera. Ganito kahahabang baril," sabay muwestra sa pamamagitan ng mga kamay ang haba na more or less ay two feet.

Dugtong ng beauty queen, "Nakatutok sa aming dalawa. Pagkagising mo, yun ang unang makikita mo."

Magmula noon, naging mas magugulatin raw siya kapag may ingay na naririnig.

"Parang at first, hindi ko alam na traumatic experience pala siya, pero after that kapag nakakarinig ako ng mga kalabog or loud noises, hindi pa rin mawawala na magugulat ko.

"So looking back, yun talaga yung memory na masasabi kong hindi ko makakalimutan."

Sinabi ni Michelle na nagsalita sila ngayon tungkol sa pagkaka-aresto sa kanilang ama para malaman ng publiko ang mga pinagdaanan ng pamilya nila nang dahil sa insidenteng iyon.

"Gusto namin na maka-relate yung mga tao na lahat tayo as a family, pag-usapan man natin, i-publicize na natin, may pinagdadaanan tayo lahat.

Continue reading below ↓

"And kailangan sama-sama lahat para pagdating sa dulo, lahat kayo maging successful, lahat kayo maging blessed.”

MARCO GUMABAO: WE'RE NOT DEFENDING OUR DAD

Aminado si Marco na malaki ang impact ng pagkakaaresto sa kanilang ama sa kanilang buhay.

Pagkatapos ng araw na iyon, nakaranas daw sila ng pangungutya sa school.

Ani Marco, "Like before, siyempre nung bata kami, sa school kami, it was really a hard time for us.

"Siyempre yung mga tao, kung mga kaklase mo, 'Áh, yung tatay mo, kidnapper.'"

Sabad ni Michele, "Aasarin ka talaga."

Dagdag ni Marco, "'Ah yung tatay mo nasa ano, kulungan, yung tatay mo kumbaga, kriminal..."

Iginiit ng VIVA actor na hindi intensiyon ng vlog na ipagtanggol si Dennis.

"We’re not defending our dad. Kumbaga yung kasong iyon, 'tapos na. It’s in the past.

"The reason why we’re doing this video is to show the people kung saan kami galing at kung paano kami binago ni God.

Continue reading below ↓

"Kung hindi nangyari ito, hindi kami lahat magiging Kristiyano,” ani Marco.

LOLI IMPERIAL: "God really turned it around for their good"

Hindi naman napigilan ni Loli Imperial ang mapaluha nang balikan nila ng kanyang mga anak ang matinding pagsubok na pinagdaanan noon ng kanilang pamilya.

Pero malaki ang pasasalamat niya dahil inihanda siya ng Diyos bago nakulong si Dennis.

"You must admit ang babata niyo pa nang mangyari iyon so number one, never akong nagsalita nang masama about your dad.

"When I look back, parang inihanda ako ni God for this kasi naging born-again ako, 1992 pa. So talagang lumalim ako sa word, lahat, and then this big tragedy happened.

"Kung wala ako sa Panginoon, siguro naging ano ako [nasiraan ng bait] talaga.

"It’s living proof talaga na grasya ng Panginoon, yung buhay po namin grace ni God lahat.”

Isinalaysay ni Loli na noong nakulong si Dennis, hindi siya marunong sa negosyo, pero lumakas ang resort business nila sa Iba, Zambales, na malaki ang naitulong sa pagtataguyod at pagpapaaral niya sa apat (hindi nakasama sa vlog si Kat) na anak sa exclusive schools.

Continue reading below ↓

Ang sabi ni Mommy Loli, "Never po sila nag-transfer ng school. They never stopped school, grasya talaga ng Panginoon, nagpapadala Siya ng guests sa resort.

"My kids are fighters really and survivors. Sabi ko nga, God really turned it around for their good talaga.

"Sobrang grateful ako na nakilala namin si God, lalo na ngayon, lumalim yung relasyon nila, and that’s what keeping us afloat and alive and just surviving with his grace,” ang sabi ng asawa ni Dennis.

QUICK BACKTRACK: DENNIS ROLDAN'S KIDNAPPING CASE

Nahatulan si Dennis na mabilanggo noong 2005 dahil sa paratang na kinidnap niya ang isang three-year-old Filipino-Chinese boy.

Pansamantalang nakalaya si Dennis dahil pinayagan ito ng korte na magpiyansa pero noong August 2014, hinatulan siya ng habambuhay na pagkakabilanggo ni Judge Rolando Mislang ng Branch 167 ng Pasig City Regional Trial Court.

Noong June 2018, pinagtibay ng Court of Appeals ang life imprisonment sentence ni Mislang kay Dennis kaya nananatili ito na nakakulong sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unforgettable para kina Marco at Michele Gumabao ang February 20, 2005, ang araw na inaresto ng "20 to 30 policemen" ang kanilang ama na si Dennis Roldan sa kanilang tahanan sa Quezon City.
PHOTO/S: @michelegumabao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results