Alfred Vargas, dalawang beses gumanap bilang Andres Bonifacio

by Jojo Gabinete
Nov 30, 2020
alfred vargas bonifacio
Inamin ng actor-politician na si Alfred Vargas na idolo niya ang bayaning si Andres Bonifacio kaya malaki ang karangalang gumanap siya bilang Bonifacio sa dalawang pelikula: Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (kaliwa) noong 2010 at Supremo (kanan) noong 2012.

Ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-157 anibersaryo ng pagsilang ni Andres Bonifacio ngayong Lunes, November 30, kaya walang pasok sa buong bansa.

Si Bonifacio ang itinuturing na Ama ng Katipunan at kabilang siya sa mga nagsimula ng himagsikan laban sa mga Kastila para magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas.

Isinilang si Bonifacio sa Tondo, Manila, noong November 30, 1863.

Pinaslang siya sa edad na 33 sa Maragondon, Cavite, noong May 10, 1897.

Bilang pagpupugay kay Bonifacio, ipinalabas ng GMA-7 sa Kapuso Movie Festival ngayong umaga ang Supremo (2012), ang pelikula tungkol sa buhay niya na ginampanan ni Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.

Ang Supremo ang ikalawang Bonifacio biographical film na pinagbidahan ni Alfred.

Siya rin ang gumanap na Bonifacio sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio na ipinalabas sa Director’s Showcase category ng 6th Cinemalaya Independent Film Festival noong July 2010.

Ang multi-awarded director na si Mario O’Hara ang direktor ng Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, at siya ang hinirang na best director sa Directors’s Showcase category sa naturang film festival.

Continue reading below ↓

Sa kasamaang-palad, ang Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio ang huling pelikulang ginawa ni O’Hara dahil binawian siya ng buhay noong June 26, 2012.

Sa lahat ng mga bayaning Pilipino, si Bonifacio ang iniidolo ni Alfred kaya nang mabigyan siya ng pagkakataong mag-produce ng pelikula, ang Supremo ang kanyang piniling proyekto.

"Ever since grade school, kahit VI-Rizal ang section ko sa Ateneo, si Bonifacio talaga ang idol ko.

"Every time na may class presentation kami, everyone wanted to be Jose Rizal, konti lang kami na gusto na maging Bonifacio.

"Ever since talaga, I’ve always wanted to portray Andres. Dream come true para sa akin ang Supremo," pahayag ni Alfred tungkol sa kanyang wagas na paghanga at mataas na respeto kay Bonifacio.

Si Richard Somes ang direktor ng Supremo.

Marami ang nagsasabing ito ang pinakamagandang pelikulang ginawa ni Alfred, na itinanghal na best actor sa Golden Screen Awards for Movies noong April 2013.

Continue reading below ↓

Napanalunan din ng Supremo sa Golden Screen Awards for Movies ang best sound at best production design; samantalang best musical score ang parangal na ipinagkaloob ng Star Awards for Movies noong March 2013 sa second Bonifacio film project ni Alfred.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inamin ng actor-politician na si Alfred Vargas na idolo niya ang bayaning si Andres Bonifacio kaya malaki ang karangalang gumanap siya bilang Bonifacio sa dalawang pelikula: Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio (kaliwa) noong 2010 at Supremo (kanan) noong 2012.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results