Boy Abunda to Michele Gumabao: "What is your story and what is your truth?"

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2020
Gustong malaman ni Boy Abunda (kaliwa) mula kay Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao (kanan) ang sagot sa mga katanungang ito: "Were you cheated? Was the contest rigged? Was there favoritism? What happened? What is your truth, Michele?"
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Mahigit isang buwan na ang nakalilipas mula nang idaos ang Miss Universe Philippines 2020.

Pero nananatiling palaisipan sa karamihan ang mga pahayag ni Michele Gumabao dahil hindi nito sinagot ang mga isyung siya rin ang nagsimula.

Marami ang nagtaka kung bakit hindi dumalo si Michele sa press presentation ng Miss Universe Philippines 2020 winners pagkatapos ng pre-taped grand coronation ng pageant sa GMA-7 noong October 25, Linggo.

Present sa event ang kinoronahang Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo ng Iloilo City, maging ang runners-up na sina Ysabella Ysmael ng Parañaque City (first runner-up), Pauline Amelinckx ng Bohol (third runner-up), at Billie Hakenson ng Cavite (fourth runner-up).

Si Michele, na kinatawan ng Quezon City, ang hinirang na second runner-up.

Sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa YouTube noong November 2, nagsalita si Michele tungkol sa hindi niya pagsipot sa presscon ng winners.

Bahagi ng kanyang pahayag: “I just want to share the truth, and I wanna share my story because I know that this will be the only way to for me to look back in all these and happily move on.”

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Michele, nakatanggap siya ng cryptic messages mula sa ibang tao tungkol sa resulta ng pageant, gayong dapat ay sa mismong telecast ng Miss Universe Philippines 2020 malalaman kung sino ang nanalo.

Nagpahiwatig din siyang mayroong dayaang nangyari sa Miss Universe Philippines 2020.

Sabi ni Michele, “I heard things that I wasn’t supposed to hear, witnessed things I never should have witnessed as a candidate.

"It hurt. I must admit. I went back to my room, and I cried so hard.

“I just went to my room. I wanted to be all by myself. And all these questions came back to my head.

"Everything I’ve been hearing for the past two days came rushing in my head.

“I was heartbroken. I was devastated and I wanted to go home.”

Sa kabila ng mga alegasyong ito ay walang detalyeng ibinigay si Michele, na nananatiling palaisipan sa marami hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

BOY ABUNDA ASKS MICHELE GUMABAO

Kabilang ang award-winning TV host na si Boy Abunda sa mga nalito, nagtaka, at naghihintay sa mga isasagot ni Michele sa kanyang mga katanungan.

Sa kanyang Boy Abunda Talk Channel sa YouTube, hinimay ni Boy ang statement na inilabas ni Michelle ilang araw matapos ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2020.

Nang makausap ng Cabinet Files si Boy nitong Lunes ng hapon, November 30, hiningi namin sa kanya ang permiso na ibahagi sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) readers ang pagkalitong nararamdaman niya sa pahayag ng volleyball star-turned-TV host na umasa pero nabigong maging representative ng Pilipinas sa 69th Miss Universe.

"Sabi niya [Michele], ‘It has to stop. We can’t connect. We can’t associate our worth as human beings, as women with who we are online.’

“I agreed with her statement about online cyber bullying. Nobody deserves to be bullied. Bullying is a crime so wala tayo dun disagreement Michelle.

Continue reading below ↓

“These are very strong words that came from her: ‘And I am not doing this to change people’s opinion of me. I am not doing this to convince anyone.’

“About what Michele? What is your story? What are you convincing us with? You haven’t even said anything yet except for your discourse on social media bullying, empowerment, the truth,” nagtatakang reaksiyon ni Boy.

Nakalagay sa statement ni Michelle na "I am doing this for my truth. I am doing this to say my experience and to share my story."

Ibinalik ni Boy ang mga tanong ni Michele: "What is your truth? What is your experience?

"What is your story that has something to do with you not being in the photo? That has something to do with what you thought was the cause of the cyberbullying?

"We’re trying to connect the dots. We’re trying to complete the puzzle. You’re not giving it to us yet, pero sabi ko, darating ‘yon.

Continue reading below ↓

"The statement was about cyberbullying. The statement was just about online bullying, but what is your story? What is your truth? What is your experience?

"Thank you for the discourse on online bullying. Thank you for your discourse on women empowerment. Thank you for saying that you’re standing for your truth. Thank you for saying you have your story.

"But what is your story and what is your truth?

"And then, sabi mo, this is your final word. You’re not entertaining questions and I respect that. You’re not granting interviews. I respect that. I am an interviewer."

Hindi rin pinalampas ni Boy ang panawagan ni Michele na igalang ng lahat ang opinyon nito dahil nag-iwan ng mas maraming katanungan kesa kasagutan ang kanyang statement.

"Believe me, you have my respect, Michele," ani Boy.

"But at the end of your statement, I have more questions than before. At the end of your statement, I am more confused. At the end of your statement, I have more speculations.

Continue reading below ↓

"Here they are: Michele, what happened? Ano ba talaga ang nangyari? Michele, why were you not in the photo of the top five winners of Miss Universe Philippines 2020?

"Michele, what did you hear at 3 a.m. on October 25? What were the rumors on October 23 and October 24?

“Ano yung mga text messages na natatanggap mo na sabi mo you were at the receiving end of cryptic text messages. Ano ‘yon?

"Girls went to you crying, people went to you crying. Why? What is the story?"

Gusto ring malaman ni Boy ang nilalaman ng text messages ni Michele sa creative director ng Miss Universe Philippines Organization na si Jonas Gaffud kung bakit kailangan na niyang unalis.

"Nagpaalam ka kay Jonas Gaffud. You texted him, you sent text messages explaining your reasons. Ano ‘yon? What did you tell Jonas?"

Tanong pa ni Boy kay Michele: "What did you even tell the winner so that we will understand better? Why did you expect the organizers to speak on your behalf when you at this point who have a chance to explain and to tell us your side of the story is obviously choosing not to tell us a story.

Continue reading below ↓

"You have this chance. Were you cheated? Was the contest rigged? Was there favoritism?

"What happened? What is your truth, Michele?" sunod-sunod na tanong ni Boy na naghihintay ng kasagutan sa mga isyung inumpisahan ni Michele pero hindi nito binigyan ng closure.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gustong malaman ni Boy Abunda (kaliwa) mula kay Miss Universe Philippines 2020 second runner-up Michele Gumabao (kanan) ang sagot sa mga katanungang ito: "Were you cheated? Was the contest rigged? Was there favoritism? What happened? What is your truth, Michele?"
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results