Giselle Sanchez, nakumbinsi ni Patricia Javier sumali sa beauty pageant

by Jojo Gabinete
Dec 1, 2020
Si Patricia Javuer (kanan) ang nagkumbinsi kay Giselle Sanchez (kaliwa) na sumali saNoble Queen of the Universe dahil nakita niya ang malaking potensiyal ng comedienne na maging beauty queen.
PHOTO/S: Instagram

Sa kabila ng coronavirus pandemic, tiniyak ni Patricia Javier na matutuloy sa December 20, 2020 ang virtual coronation ng 2nd edition ng Noble Queen of the Universe.

Lalahukan ng labinlimang kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Patricia ang reigning Noble Queen of the Universe at handa na siyang isalin ang korona niya sa kanyang successor.

Kabilang ang host at comedienne na si Giselle Sanchez sa mga candidate ng Noble Queen of the Universe at siya ang official representative ng Visaya.

Si Patricia ang nagkumbinsi kay Giselle na sumali sa nabanggit na beauty pageant dahil nakita niya ang malaking potensiyal ng comedienne na maging beauty queen.

Para naman kay Giselle, isang karangalan na siya ang napili na maging official delegate ng Visayan people sa beauty pageant para sa mga misis.

“I was hesitant to accept this position at first, but when I saw the advocacies of Noble Queen of the Universe and how they sincerely helped a lot of people especially during this pandemic and typhoon disasters, I agreed to join this pageant mainly to raise funds to be able to help my fellow Filipinos,” pahayag ni Giselle.

Continue reading below ↓

Hinihingi ang suporta ng mga kababayan niya sa Visaya para sa kanyang unang beses na pagsabak sa isang beauty contest.

Hindi lamang ang koronasyon ng bagong titleholder ng Noble Queen of the Universe ang magaganap sa December 20. Pararangalan din ng organisasyon ang Prominent Women Empowerment awardees na pangungunahan nina Sharon Cuneta, Dyan Castillejo, Regine Tolentino, at Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Patricia Javuer (kanan) ang nagkumbinsi kay Giselle Sanchez (kaliwa) na sumali saNoble Queen of the Universe dahil nakita niya ang malaking potensiyal ng comedienne na maging beauty queen.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results