Christmas Station ID ng ABS-CBN, nagbigay-pugay sa frontliners at mga bagong bayani

by Jojo Gabinete
Dec 2, 2020
Binigyang-buhay ang frontliners, na naging kaagapay nating mga Pilipino sa pandemya at mga kalamidad, sa Christmas Station ID ng ABS-CBN ngayong 2020.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Nakapagtala ng halos kalahating milyong views ang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” Christmas Station ID ng ABS-CBN sa You Tube Channel nito, sa loob lamang ng dalawang oras.

Ito ang patunay na naging tradisyon na ng loyal supporters na abangan at panoorin ang annual Christmas Station ID ng Kapamilya Network.

May running time na 15 minutes at 29 seconds ang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya.”

Binigyan nito ng importansiya ang frontliners at ang mga Pilipinong nagpakita ng kakaibang kabayanihan at katatagan sa panahon ng coronavirus pandemic.

Pinahalagahan din ng ABS-CBN sa Christmas Station ID ang major sponsors nila dahil sa mga produktong binigyan ng prominent exposure.

Ang “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” ang isa sa pinakamahalaga at hindi malilimutang Christmas Station ID dahil binuo ito sa panahon ng magkakasunod at matitinding pagsubok na naranasan ng Kapamilya Network.

Kabilang dito ang banta ng COVID-19 at ang pagbawi sa franchise ng network para maipalabas ang mga programa nila sa free television.

Continue reading below ↓

Ginawa rin ang Christmas Station ID sa pagkakataong nagkawatak-watak ang mga miyembro ng Kapamilya Network. Wala na sa ABS-CBN sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Ted Failon, Korina Sanchez, Alex Gonzaga, at marami pang iba na nagbitaw ng salitang “Forever Kapamilya” sila pero napapanood na ngayon sa ibang TV station.

Tiniyak ng ABS-CBN na nabigyan nila ng pagpapahalaga ang mga artistang nananatiling tapat sa kanila, pati ang mga character actors na dating hindi nakakasama sa Christmas Station ID ng netwok dahil priority noon ang valued big stars.

Para makasiguro na nabigyan ng exposure ang lahat, kasali sa “Ikaw Ang Liwanag at Ligaya” ang mga artista ng lahat ng kasalukuyan at mga bagong programa ng ABS-CBN na napapanood sa Kapamilya Channel at A2Z.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binigyang-buhay ang frontliners, na naging kaagapay nating mga Pilipino sa pandemya at mga kalamidad, sa Christmas Station ID ng ABS-CBN ngayong 2020.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results