Jerald Napoles, nami-miss na ang normal na pamumuhay

by Jojo Gabinete
Dec 3, 2020
Jerald Napoles on his realizations amid pandemic: "Marami akong natutuhang aral. It became a constant reminder sa pagiging lenient ng iba regarding COVID-19. Lalo akong nag-iingat, pero may pangamba pa ring baka matsambahan ako. But we are taking this one day at a time."
PHOTO/S: Instagram

Miss na miss na ni Jerald Napoles ang normal na pamumuhay, kaya ang magkaroon na ng vaccine para sa COVID-19 ang Christmas wish niya.

Mula nang bumalik si Jerald sa tapings ng kanyang mga TV guesting at shooting ng isang pelikula, mahigit sa sampu ang bilang ng mga swab test na pinagdaanan niya.

Kahit hindi na kumportable ang pakiramdam, hindi siya nagrereklamo dahil kailangan talaga sa trabaho.

"Ang dami ko nang mga swab test. The most difficult part is yung mga lock-in taping at shooting, pati safety protocols. Pero ganoon talaga, kailangan, e.

"Nakaka-miss ang normal na buhay. Yung panahon ngayon, parang mas constant ang adjustments than tranquility.

"Lahat kasi may kanya-kanyang pinagdaraanan sa buhay at hindi nila alam kung paano maitatawid," sagot ni Jerald nang itanong namin ang epekto sa kanya ng coronavirus pandemic.

Ano naman ang kanyang itinuturing na pinakamalungkot at pinakamasayang karanasan sa panahon ng pandemya?

Sagot ni Jerald, "Ang pinakamalungkot, marami-rami ang mga kakilala ko na pumanaw dahil sa COVID-19, at napakarami ng mga nawalan ng trabaho.

Continue reading below ↓

"Marami akong natutuhang aral. It became a constant reminder sa pagiging lenient ng iba regarding COVID-19.

"Lalo akong nag-iingat, pero may pangamba pa ring baka matsambahan ako. But we are taking this one day at a time.

"Ang pinakamasayang nangyari sa akin, e, yung na-discover namin ni Kim na kaya naming ibigay sa isa’t isa ang suporta para maitawid pa rin ang buhay sa gitna ng pandemya."

Si Kim Molina ang long-time girlfriend ni Jerald.

BUSY DESPITE THE PANDEMIC

Sa gitna ng krisis na nararanasan ng buong mundo dahil sa coronavirus pandemic, ipinagpapasalamat ni Jerald ang pagkakaroon niya ng trabaho.

Bago isinailalim ang Luzon sa enforced quarantine, noong March 15, 2020, natapos nina Jerald at Kim ang shooting ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Sinasabing isa ito sa pinakamagandang pelikulang ginawa nila at malaki ang tsansang magkaroon sila ng acting nomination dahil sa kanilang performances.

Nang mag-resume ang mga TV at movie production matapos ang ECQ, nag-taping si Jerald para sa dalawang episodes ng Ghost Adventures ng TV5.

Continue reading below ↓

Nag-shooting siya para sa Pakboys: Takusa, ang official entry ng Viva Films sa 46th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa darating na December 25.

"Felix Dakat ang pangalan ko sa Ghost Adventures, isang influencer na gwapong-gwapo sa sarili at habulin ng mga babaeng multo.

"Kasama ko naman sa Pakboys ang lahat ng Philippine comedy icons," kuwento ni Jerald.

Kasama ni Jerald sa Pakboys sina Andrew E., Janno Gibbs, at Dennis Padilla.

Natutuwa si Jerald dahil sa eight million views ng official trailer ng Pakboys sa unang araw ng release nito sa social media platforms.

"Sa tingin ko, mataas ang views sa trailer ng Pakboys dahil na-excite ang mga taong makita silang magkakasama sa isang pelikula. Na-miss din siguro ng mga tao ang ‘90’s comedy, lalo na sa Metro Manila Film Festival."

Sa kauna-unahang pagkakataon, may filmfest movie si Jerald na mapapanood sa online sa pamamagitan ng Upstream kaya hiningi namin ang kanyang opinyon sa advantage at disadvantage ng online MMFF.

Continue reading below ↓

"Ang advantage, hindi na kailangan ng mga tao na lumabas, mamasahe, at maipit sa traffic para pumunta sa mga sinehan dahil puwede nang panoorin sa bahay ang mga pelikula ng MMFF.

"Ang disadvantage, wala yung feel ng sinehan kapag Pasko at, siyempre, mangangapa pa rin tayo kung paano mapapanood ang mga pelikula."

Sa palagay mo ba, handa na ang Filipino moviegoers sa online Metro Manila Film Festival?

Sagot ni Jerald, "I think handa na tayo. Ang lakas natin mag-Netflix, e. Kung gusto naman, may paraan."

Lastly, tinanong namin si Jerald sa relevance ng desisyon niyang pakulayan ng pink ang kanyang buhok. May kinalaman ba ito sa mga project niya?

"Wala lang po, gusto ko lang ng kaparehong vibe ng mga celebrity sa abroad gaya nina Frank Ocean, Chris Brown, at iba pa.

"Saka nung platinum grey ang kulay ng buhok ko, biglang ang dami kong kapareho kaya pink ngayon ang buhok ko!" natawang sagot ni Jerald.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on his realizations amid pandemic: "Marami akong natutuhang aral. It became a constant reminder sa pagiging lenient ng iba regarding COVID-19. Lalo akong nag-iingat, pero may pangamba pa ring baka matsambahan ako. But we are taking this one day at a time."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results