Pamilya ni Roxanne Abad Santos, gustong makakuha ng kopya ng nag-iisang pelikula ng namatay na aktres

by Jojo Gabinete
Dec 5, 2020
Roxanne Abad Santos was launched in the 1982 movie Miracle of Love, but she died from leukemia a few weeks before the showing of the film. Roxanne also became a co-host of the noontime show Eat Bulaga.
PHOTO/S: Courtesy of Kiel Abad Santos

Ang artikulo ng Philippine Entertainment Portal tungkol sa sumakabilang-buhay na aktres na si Roxanne Abad Santos ang naging instrumento kaya nagkaroon kami ng komunikasyon sa kapatid niyang si Kiel Abad Santos.

Lumabas ang artikulo noong Huwebes, December 3.

Kinumpirma ni Kiel sa Cabinet Files na noong December 3 nga ang 63rd birth anniversary ng kanyang kapatid.

RELATED STORY

Pumanaw si Roxanne sa edad na 24 dahil sa leukemia, at nakalibing sa Holy Mary Memorial Park, Angeles City.

"Yes, we always remember her in our lives... Our dear departed sister Roxanne," sambit ni Kiel nang makausap siya ng Cabinet Files.

Si Kiel, 49, ang bunsong lalake sa pitong magkakapatid—apat na lalake at tatlong babae. Assistant professional lecturer siya sa Holy Angel University, Angeles City, Pampanga.

Labing-isang taon lamang si Kiel nang bawian ng buhay si Roxanne noong June 25, 1982. Pero malinaw na malinaw pa rin sa kanya ang mga pangyayari.

Lahad niya, "Si Roxanne ang pangalawa sa aming magkakapatid, at si Marissa ang panganay namin. Silang dalawa ang breadwinner ng pamilya.

Continue reading below ↓

"Before joining showbiz in 1981, she [Roxanne] was an international flight attendant at Philippine Airlines Lines.

"Kapag bakasyon, pumupunta ako sa apartment niya sa Blanco Square sa Pasay City. I was 11 years old then."

Kasunod nito ay binalikan ni Kiel kung paano nakapasok sa showbiz ang kanyang kapatid.

Continue reading below ↓

"Si Direk Elwood Perez, a fellow Kapampangan, was the one who discovered Roxanne for the movies.

"Actually, she signed a four-film contract with GC Films but she only did one, and that is Miracle of Love.

"Ang Miracle of Love ang first and last starring role ni Roxanne, but she was a co-host of Eat Bulaga! on RPN-9 when Chiqui Hollman resigned before Coney Reyes became a mainstay of Eat Bulaga.

"Tito, Vic and Joey were getting promising female celebrities as co-host," pagbabalik-tanaw ni Kiel tungkol sa short-lived showbiz career ng kanyang kapatid.

REQUEST TO ABS-CBN AND GABBY CONCEPCION

Kung totoo mang nagpaparamdam mula sa kabilang-buhay ang mga namayapa, tila ang nagkataong paglalabas ng PEP.ph ng report tungkol kay Roxanne sa 63rd birth anniversary nito ang naging susi para maiparating ni Kiel sa ABS-CBN at kay Gabby Concepcion ang panawagan ng kanilang pamilya.

Ang dating pag-aaring film company ng pamilya ni Gabby na GC Films ang nag-produce ng Miracle of Love.

Continue reading below ↓

Tulad nang nabanggit ni Kiel, ang Miracle of Love ang una at huling starring role ni Roxanne kaya gusto ng kanyang pamilya na magkaroon sila ng kopya ng pelikula.


Ten years ago, personal daw nagpunta si Kiel sa ABS-CBN office para magtanong kung paano makakakuha ng kopya ng Miracle of Love. Pero nabigo siya kaya hiningi niya ang tulong ng PEP.

Continue reading below ↓

Saad ng nakababatang kapatid ni Roxanne, "Actually, you may help us out. Wala kaming copy ng movie na Miracle of Love produced by GC Films.

"Aside from the film kasi, merong tribute, funeral, and burial coverage ang film, at ito sana ang gusto namin.

"Matagal na wala sa Pilipinas ang mga Concepcion kaya hindi namin alam kung sino ang pupuntahan namin until we watched it on Cinema One," pagtukoy niya sa pay TV channel na nagpapalabas ng local films.

"Usually, ipinapalabas ang Miracle of Love sa Cinema One during Holy Week dahil religious ang theme niya.

"We went to ABS CBN if the film they have, has the special coverage, pero ang hirap palang mag-request kapag ganoon.

"Wala kaming kakilala sa showbiz para ma-request sana kay Mr. Gabby Concepcion or ABS-CBN ang copy ng film and special coverage ng libing kay Roxanne."

MIRACLE OF LOVE PREMIERE

Tatlumpo’t walong taon na ang nakalilipas buhat nang bawian si Roxanne ng buhay, pero sariwang-sariwa pa sa isip ni Kiel ang mga kaganapan tulad ng personal na pakikiramay ni Gabby at ng pamilya nito.

Continue reading below ↓

Aniya, "Nagpunta sa wake ni Roxanne at nakipaglibing ang Concepcion family, at doon din kinuha yung footage ng tribute, funeral, and burial rights niya."


Namatay si Roxanne ilang linggo bago ipinalabas sa mga sinehan ang Miracle of Love kaya hindi na nito napanood ang pelikula. Pero kumpleto ang attendance sa premiere night ng kanyang mga magulang at kapatid.

Continue reading below ↓

"The premiere night of Miracle of Love was held at Magallanes Theater in Makati City in July 1982. We were all sobbing.

"Nandiyan pa ba ang Magallanes Theater?" tanong ni Kiel tungkol sa sinehang matatagpuan noon sa kanto ng EDSA at Magallanes Interchange.

Tuluyan nang giniba ang sinehan noong early ‘90’s at kinatatayuan sa kasalukuyan ng Barangay Hall ng Magallanes.

Hindi lamang ang kopya ng Miracle of Love ang hinahanap ng Abad Santos family. Gusto rin nilang makuha ang posthumous award na ipinagkaloob kay Roxanne ng FAMAS noong May 28, 1983.

"Nakatanggap din si Roxanne ng Posthumous Award sa FAMAS in 1983, pero hindi rin namin natanggap ang plaque or trophy," ani Kiel.

ANOTHER CELEBRITY FROM THE FAMILY

Hindi si Roxanne ang nag-iisang artista sa kanilang pamilya. Sumusunod din sa yapak niya sa showbiz ang kanyang 23-year-old nephew na si Xavier Abad Santos.


Continue reading below ↓

"Promising actor sana si Xavier. Sumali siya sa isang boys group and he was going to GMA-7 with his talent scout, but COVID-19 happened," kuwento ni Kiel tungkol sa kanyang aspiring actor na pamangkin.

"Walang gaanong live shows from March to August na yata.

"He is actually a licensed pharmacist. We are actually telling him to devote his time to his profession, and make showbiz just a sideline.

"Alam naman natin na shaky ang showbiz career. Nagsara pa ang ABS-CBN.

"Now, he works from home."

Sa hiwalay na panayam ng Cabinet Files kay Xavier, sinabi nitong ten years old siya nang malaman niya ang kuwento tungkol sa buhay ng kanyang Tita Roxanne.

"Bata pa lang ako, around 10 years old, naikukuwento na po siya sa akin," sabi ni Xavier, na isang commercial model at lumalabas noon bilang talent sa mga TV series ng ABS-CBN.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Roxanne Abad Santos was launched in the 1982 movie Miracle of Love, but she died from leukemia a few weeks before the showing of the film. Roxanne also became a co-host of the noontime show Eat Bulaga.
PHOTO/S: Courtesy of Kiel Abad Santos
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results